Ang pagkadawit dito ng Customs ay nakakaalarma at kahina-hinala na. Hindi na bago ang balitang may nagbubukas at nagnanakaw sa mga laman ng balikbayan box. Hindi kaya ng pinakakawatang opisyal at empleyado — na kilala sa “pagtatrabaho” sa Customs” — na pigilan ang mga sarili nila na hindi buksan at pagnakawan ang mga balikbayan box ng mga taong nagbabanat ng buto, hindi tulad nila.

 

Hindi inaasahang mangyayari ito sa ilalim ng panunungkulan ng anak ng isang dakilang taong napilitang manirahan sa ibang bansa, gaya ng mga OFW, bago siya umuwi’t naging bayani. Alam na dapat ito ng anak dahil kasama siya ng tatay niya na nanirahan sa ibang bansa.

Pero nangyari na nga at ipinagtatanggol pa ng mga alipores ng anak: “Iinspeksyunin” ang mga balikbayan box at hahanapin ang mga “tax evader” na pagbabayarin ng customs duties.

Ito ang kinamumuhian ng taumbayan: Pinaparatangan ng Customs at Malakanyang ang bawat “bagong bayaning” OFW na “tax evader.” Ang kapal.

Sa totoo lang, ilang buwang pinag-iipunan ng mga OFW ang ilalagay sa balikbayan box na ipinapadala nila taon-taon — maliban pa sa mga cash remittance na ipinapadala nila buwan-buwan.

Hindi mapapatawad at hindi makakalimutan ng mga OFW na pinapalabas silang tax evaders at may balak na mandugas sa gobyerno.

 

Hindi natin lubos maisip kung paano naisip ng Customs at Malakanyang na balak ng mga OFW na dugasin ang gobyerno ng custom duties at buwis sa pamamagitan ng balikbayan box. Hindi lang ito kabaliwan. Ipinapakita nito na walang alam at walang pakialam ang gobyerno sa kalagayan ng mga OFW sa lahat ng lugar, kung magkano ang kanilang kinikita, bakit sila umalis ng bansa, at kung ano ang mga hinaharap nila sa ibang bansa.

Magtanong ka sa domestic helper sa Hong Kong, nurse sa U.K., construction worker sa Middle East, o teacher sa U.S. Umalis sila ng bansa para magtrabaho para sa kanila at para sa pamilyang naiwan nila sa bansa — partida pa dahil pinag-iinitan ang mga tulad nilang OFW at migrant worker doon, at kumokonti yung mga pagkakataon nilang makapaghanapbuhay doon. Wala sa isip nila na maging tax evader. Hindi mapapatawad at hindi makakalimutan ng mga OFW na pinapalabas silang tax evaders at may balak na mandugas sa gobyerno.

 

mula sa PULPOLITIKA

 

Labanan ito sa pagitan ng ilan sa pinakamasisipag at pinakamatulunging Pilipinong manggagawa, sa isang banda, at ng diumano’y Daang Matuwid at ang pinaka-corrupt na ahensya ng gobyerno, sa kabilang banda.

 

Sa totoo lang, marami na ngang dapat ipaliwanag si Presidente BS Aquino at yung manok niyang Mar Roxas sa pagpapabaya sa mga OFW — na sinisimbolo ng kaso ni Mary Jane Veloso at iba pang pinabayaang OFW na nabubulok ngayon sa mga death row sa buong mundo. Tapos ngayon naman, malalaman natin na pinagdidiskitahan ng mga dilaw na halimaw ng administrasyon ang mga balikbayan box – sa kagustuhan nilang makakuha ng bagong pork mula sa customs duties.

Labanan ito sa pagitan ng ilan sa pinakamasisipag at pinakamatulunging Pilipinong manggagawa, sa isang banda, at ng diumano’y Daang Matuwid at ang pinaka-corrupt na ahensya ng gobyerno, sa kabilang banda.

Itong Customs ay ang ahensyang kilala sa “selective” at kurakot na pagpapatupad ng batas na nagpapalusot sa mga sindikato ng smuggling para hindi mainspeksyon at hindi magbayad ng customs duties at buwis. Ito ang ahensyang nagpalusot ng basura galing Canada at pekeng bigas sa bansa; sa kabaligtaran naman ay pinigilan ang pagpasok ng relief goods sa mga aduana at mga libro sa mga post office.

Ang pagkadawit dito ng Customs ay nakakaalarma at kahina-hinala na. Hindi na bago ang balitang may nagbubukas at nagnanakaw sa mga laman ng balikbayan box. Hindi kaya ng pinakakawatang opisyal at empleyado — na kilala sa “pagtatrabaho” sa Customs” — na pigilan ang mga sarili nila na hindi buksan at pagnakawan ang mga balikbayan box ng mga taong nagbabanat ng buto, hindi tulad nila.

 

bb3
mula sa PULPOLITIKA

 

Sino kaya ang nakaisip ng ganitong “inspeksyon” at pagtaas ng buwis sa balikbayan box?

Una, yung mga kawatang opisyal ng gobyerno na mahilig magbiyahe, gumastos ng malaki habang nasa abroad, at pinapalusot sa Customs. Akala yata ng mga ito, katulad lang nila ang mga OFW — lumulusot sa Customs nang hindi nagbabayad ng buwis sa Porsche, alahas, at iba pang mamahaling gamit na binili nila mula sa mga nakaw na yaman.

Ikalawa, yung Liberal Party na desperadong naghahanap ng pera para sa P3-trilyong national budget para sa 2016, budget na pinataba ng pork barrel. Sabi nga ng ilang mambabatas, marami itong “lump-sums,” o mga pondong walang tiyak na paggagamitan — na mukhang gagamitin para ipanalo ang kulelat na kandidato ng LP para presidente.

Pwede ring nagkasundo ang dalawang ito — mga kurakot na opisyal at mga adik sa pork barrel na lider ng naghaharing partido. Ito na rin ang magpapaliwanag kung bakit nagkukumahog ang Malakanyang na depensahan ang Customs sa isyung ito.

Talaga namang magagalit ang mga OFW at pamilya nila. Naghahanda na ng mga protesta ang Migrante International at iba pang samahan ng OFWs dito sa bansa at sa mga embassy’t consulate ng Pilipinas. Kumukulo sa galit ang Internet.

bb5 copy
mula sa FB page ni Cong. Neri Colmenares

Bilang sagot sa lumalawak na galit ng mga Pilipino, nanawagan na sina Senior Deputy Minority Leader Neri Colmenares at kasama niyang Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na umaksyon ang Kamara para protektahan ang mga OFW at mga balikbayan box nila. Sana ay kumilos agad ang Kongreso, ipanawagan na itigil ang “inspeksyon” at pigilan ang anumang pagtaas o pagdagdag sa customs duties para sa balikbayan box.

Maliwanag pa sa sikat ng araw ang pagkamanhid, walang kabusugan, maling prayoridad, at lantarang pang-aapi sa mga mahihirap at middle class nitong Daang Matuwid.

Kung akala ng Malakanyang at mga kurakot nilang alipores sa Customs na makakalusot sila sa pamemera nila sa mga OFW, kabahan na sila. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang pagkamanhid, walang kabusugan, maling prayoridad, at lantarang pang-aapi sa mga mahihirap at middle class nitong Daang Matuwid. Malinaw din na dapat na natin itong tapusin. Siguradong ayaw na ng 10M OFW at mga pamilya nila ng anim na taon pang pagpapabaya, pang-aabuso, at kawalanghiyaan nito.

Tatapusin ko ito sa isang kuwento: Minsan, may isang dakilang tao na pinaalis sa atin at ipinatapon sa ibang bansa. Isang araw, Agosto din yun, umuwi siya sa atin para sa mga taong sinabi niya ay “worth dying for.” Nagtali ng yellow ribbons ang taumbayan para salubungin siya at parangalan siya. Namatay siyang literal na nakayakap sa lupang tinubuan, at milyon-milyon ang nakipaglibing sa kanya. Imortal na siya ngayon.

Kung ang tatay ay nagsakripisyo para matapos ang pagnanakaw at kawalanghiyaan, ang anak naman ay naging pork barrel king. Walang katapusang sakripisyo at kahihiyan ang ipinadanas niya sa taumbayan na minahal ng tatay niya. Ngayon, nilalagyan ng mga alipores ng anak ng yellow ribbon ang mga balikbayan box. Ang tadhana ng anak at ng sidekick niya ay nakasilid na sa balikbayan box na ninais nilang buksan, pagnakawan at pagkaperahan; ang balikbayan box ay ataul na para sa kanila. Hindi na makapaghintay ang taumbayan para sa libing ng mga pangarap ng mga tampalasan sa pulitika.

(Unang lumabas sa wikang Ingles sa tonyocruz.com noong Agosto 24, at sa Manila Bulletin noong Agosto 25)