Malaki ang papel ng social media sa pag-impluwensya at kung paano nito hinuhubog ang kaisipan ng mamamayang Pilipino. May gampanin din ang mga celebrities, content creators, influencers, o kahit simpleng mamamayan sa kanilang maiaambag sa mga diskurso sa social media. 

Sa gitna ng pag-ulan at pagbaha, binaha rin ng maaanghang na salita ang mga anak ng mga contractors o tinatawag nilang mga ‘nepotism babies’, mga contractors at kumpanya, at maging ang administrasyon ni Marcos Jr. nang pumutok ang isyu sa mga ‘palpak’ na flood control projects. 

Kamakailan lamang ay naibunyag sa publiko ang anomalya sa paggamit ng pondo sa mga flood control projects. Lumitaw ang mga pinaghihinalaang ‘ghost flood control projects’ at kakulangan ng transparency ng mga proyekto. 

Sa gitna ng ganitong mga kontrobersiya, hindi maiwasang punahin ng mga netizens ang kataka-takang karangyaan ng mga contractors at mga kapamilya nito. Wala ring nakaligtas sa tanong na “so, this is where our taxes go?”.

Netizens call out kontra korapsyon

Laman na ng bokabularyo ng ordinaryong mamamayan ang terminong nepo baby matapos sumambulat ang kontrobersya ng mga anomalya at kwestiyonableng flood control projects. Noon pa ma’y mapanlait (derogatory) na ang pakahulugan nito na tumutukoy sa mga indibidwal na nananamantala sa koneksyon at yaman ng kanilang kapamilya upang simulan ang kanilang sariling career, ngunit lalo pang napalala ng kasalukuyang kaganapan ang imahe ng mga nepo baby. Ginagamit na rin ito ngayon para sa mga indibidwal na hindi karapat-dapat ang kasikatan at kayamanan na meron sila. 

Naging patok ang paggamit ng terminong ito sa mga anak ng mga contractors ng flood control projects dahil na rin sa pagmamalaki nila ng kanilang marangyang buhay sa social media, tulad ng pag-travel, pagkain sa mga mamahaling restaurant, at pagflex ng mga suot na damit at gamit. 

Ilan lamang sina Claudine Co at Jammy Cruz sa mga anak ng kontraktor na dawit ngayon sa anomalya ng flood control projects. Hindi rin nakaligtas sina Gela Alonta, Kitty Duterte, at iba pang mga kilalang anak ng politiko sa naging sentro ng usapan. 

Bretman Rock

@gmapublicaffairs

BRETMAN ROCK CALLS OUT NEPO BABIES In an Instagram Story on Sept. 3, 2025, Filipino-American influencer Bretman Rock shifted from a Q&A about languages to calling out the “extravagant lifestyles” of nepo babies in the Philippines, especially when allegedly funded by public money. “I’d be mad too if I was funding these nepo babies’ lives and they’re buying ugly things. I would be mad. Trust,” he said. 📸: Bretman Rock/Instagram

♬ original sound – GMA Public Affairs – GMA Public Affairs

Gab Doceno

Kasabay nito, nag-trending din sa mga content creators ang paggawa ng ‘video edits’ na nagpapakita ng kalagayan ng mga taxpayers na kaiba sa buhay ng mga “nepo babies”.

@murphygenius

Public shame these nepo babies until their corrupted politican families steps down #philippines #floodcontrol #claudineco #corrupt #jammycruz

♬ original sound – MurphyGenius – MurphyGenius

Ansis Sy

Pinakita rIn ng mga influencers sa mga point of view (POV) videos ang perspektibo ng mga manggagawa at bilang simpleng mamamayan na laging nakakaranas ng pagbaha. 

Jomar Yee

@jomaryee

Ngayon palang mag isip isip ka na 🥲

♬ original sound – Jomar Yee – Jomar Yee

Christian Antolin

Samantala, ginawa naman sa nakakatawang paraan ni Nathan Portez ang POV ng pagsasalarawan niya sa buhay bilang isang anak ng kurakot, kung saan ginamit ang personipikasyon ng “buwaya” bilang ang kanyang ama. 

Nathan Portez

Makwela ring gumawa ng “children show for political babies”  ang Pencilbox Comedy at ginamit ang letrang T sa pagbigkas ng mga salita tulad ng “corrupt” at “dynasty”, at pagkanta ng “malalaking tarpaulin, iya iya yo” bilang pagpuna sa mga naglalakihang tarpaulin ng “This is where your tax money goes” sa mga flood control projects. 

Pencilbox Comedy

Tampok din ang paggamit sa sikat na kantang “Upuan” ni Gloc 9, politikal na kantang ginamit ang salitang upuan bilang katawanin ang mga nasa kapangyarihan at nabubuhay sa karangyaan habang nalulubog sa kahirapan ang kanilang pinagsisilbihan. 

Hindi rin nagpahuli ang ilan sa mga celebrities na nagpahayag ng kanilang mga pagkadismaya. Tulad ni Anne Curtis, kung saan pinatungkulan niya ang isang likhang dokumentaryo ni Jessica Soho, at sinipi ang sinabing ‘Hindi na pala baha ang magpapalubog sa ating bayan kundi kasakiman’ — sakit” 

“Wish ko lang” ang naging tugon ni Mike Tan sa sariling post na “Imagine a world where corruption refunds existed, where we auction off their mansions and possessions, then we taxpayers get the cash back.” 

Paglusong at paglusob

Umani ng mga komento, positibo man o negatibo, ang mga pasaring sa mga korap at nepo babies. Saad ng mga netizen, mulat at galit na ang sambayanan. Ngunit, hindi lamang sa social media natatapos ang laban. Hindi sapat na tanging sa mga ragebait posts, memes, at POV videos natatamasa ang tunay na accountability. 

Alam natin ang sagot at nasa kasaysayan na ito– mula sa Katipunan ni Bonifacio hanggang sa People Power Revolution, maging sa kasalukuyan na patuloy na pagkilos sa mga lansangan–  

ito ang kolektibong aksyon ng mamamayan laban sa mga korap at korakot. 

Sinimulan na ito ng mga serye ng pagkilos tulad ng mga protesta sa tapat ng Department of Public Works and Highways (DPWH), sa House of Representatives, sa bahay ng mga contractors, sa mga komunidad, at maging sa kalsada ng Metro Manila.

Hindi lamang dito natatapos, dahil ani nga ni Teddy Casiño, isa itong hamon sa mga bawat nanggalaiti na magkita tayo sa lansangan. 

This is a challenge, not an invitation. 

Sa mga sawa at galit na sa pagnanakaw ng mga korap na pulitiko at opisyal. 

Sa mga naghihimagsik sa baha dahil sa palpak, substandard at ghost flood control projects.

Sa mga suyang suya na sa pagbabayad ng buwis pero walang nakukuhang matinong serbisyo. 

Sabi ninyo dapat kumilos na tayo. Tama. Hindi seseryosohin ng gobyerno itong anti-corruption ek ek nila kung walang warm bodies sa lansangan. So let’s put our feet where our mouths and keyboards are. 

MAG RALLY TAYO. ISANG LUGAR. ISANG ORAS. SAMA SAMA. Gawin nating Sunday so no excuse to be absent or late. 

May grupo ka man o wala. Dilawan, pulahan, pinklawan, kaliwa, gitna o kanan. Basta ayaw sa korapsyon at nasusuka na sa karangyaan ng mga magnanakaw ng kaban ng bayan. Punta tayo para magparamdam ng galit. Punta tayo para ipaglaban ang tama. 

See you in the streets.

Totoong may ambag ang social media sa pag-impluwensya. Ngunit sa totoong mundo, hindi lang ang mga celebrities at influencers ang may gampanin nito, kundi ang buong mamamayang Pilipino. Mula social media tungong kalsada, lahat dapat ay maging kabahagi sa pagpapanagot sa tunay na maysala sa pangungurakot ng pera ng bayan at pagtamasa ng ating mga karapatan sa lipunan. 

Loading spinner

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here