Idinaos ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa ikatlong pagkakataon ang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) noong Setyembre 13-19.

Sa ikatlong taon ng PPP, 11 pelikulang may ganap na haba ang kalahok sa pista na eklusibong ipinalalabas sa mga sinehan sa loob ng isang linggo. Pito sa mga ito ay kasama sa main entries, tatlo sa PPP Sandaan Showcase at isang non-competition film. Mayroon ding siyam na kalahok sa Sine Kabataan shorts.

Espesyal sa taong ito ang paglulunsad ng PPP kasabay ng pagbubukas ng selebrasyon sa 100 taon ng pelikulang Pilipino. Pinamunuan ng FDCP ang selebrasyon ng 100 taon ng pelikulang Pilipino sa pagkilala sa mga mahahalagang personalidad nito sa nakalipas na 100 taon.

Ang FDCP ay ang pambansang ahensya ng mga pelikula na responsable sa mga polisiya sa pelikula at sa mga programang nagtitiyak ng pang-ekonomya, pangkultura at edukasyunal na pag-unlad ng industriya ng pelikulang Pilipino. Nilikha ang ahensya sa bisa ng Republic Act No. 9167 at nasa ilalim ng Office of the President.

Ang pitong pelikulang bahagi ng main entries ay Cuddle Weather ni Rod Marmol, G! ni Dondon Santos, I’m Ellenya L. ni Boy 2 Quizon, LSS: Last Song Syndrome ni Jade Castro, Open ni Andoy Ranay, The Panti Sisters ni Jun Robles Lana at Watch Me Kill by Tyrone Acierto.

Ang tatlong pelikulang bahagi ng PPP Sandaan showcase ay Circa ni Adolf Alix Jr., Lola Igna ni Eduardo Roy Jr. at Pagbalik by Hubert Tibi & Maria Ranillo.

Ang nag-iisang non-competition film ay ang Verdict ni Raymund Ribay Gutierrez. Ginawaran ang pelikula ng Special Jury Prize sa Venice Film Festival ngayong taon.)

Idinaos ang Gabi ng Parangal, Pagkilala, Pasasalamat ng PPP noong Setyembre 15 sa One Esplanade, SM Mall of Asia Complex sa Pasay.

Ang mga nagwagi ng parangal sa katatapos na PPP awards night ay ang mga sumusunod:

Best Picture: Lola Igna
Best Actor: Martin del Rosario (The Panti Sisters)
Best Actress: Angie Ferro (Lola Igna)
Best Director: Tyrone Acierto (Watch Me Kill)
Best Supporting Actor: Gio Alvarez (I’m Ellenya L)
Best Supporting Actress: Tuesday Vargas (LSS)
Best Editing: Watch Me Kill
Best Screenplay: Lola Igna
Best Cinematography: Watch Me Kill
Best Production Design: The Panti Sisters
Best Musical Score: Lola Igna
Best Theme Song: “Araw Araw” by Ben&Ben (LSS)
Best Sound Design: LSS

Special Awards:
Audience Choice: The Panti Sisters, LSS
Jury Prize: LSS

Pinakamaraming inuwing parangal ang LSS, kasunod ang Lola Igna.

Kumita na ng P105 milyon ang PPP sa araw na ito ayon sa Tagapangulo ng FDCP na si Liza Diño Seguerra.

Sampung pelikulang kalahok sa kompetisyon sa PPP 2019

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here