Bumigay man ang haligi,
hindi nito kaya timbangin
ng anumang gusali
at dambuhalang malls
ang naghihimutok niyang
militanteng pagpupunyagi.

Ni ang pagluhod
sa nakaksulasok na putik
na inimbento para yurakan
ang mga maralitang lungsod,
binago ni Mameng ‘to sa
anyo ng umaapoy na pakikibaka.

Walang kasintalas, lahat ng
naghaharing-uri nayuyupi’t nauurat
sa dagundong ng inang himig
at pumipilas sa balat-buwaya ng
mga nagkukunwang banal at
kaaway ng aping uri.

Luha, pawis, at dugo ang pinandilig,
rebolusyon ng mga maralita ang aanihin.

Pulang saludo, Nanay Mameng!
Ina ng pakikibaka ng mga maralitang lungsod.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here