Mula sa Eksenang Tahimik Hanggang Mangusap ang Gitara ni Jess Santiago

ni Francis Villabroza

0
4312

[masterslider id=”79″]

[ultimate_spacer height=”100″]
Hindi na bago ang pangalan ni Jess Santiago sa larangan ng sining at protesta sa Pilipinas at maging sa Timog Silangang Asya. Mula sa mga taludturang makamasa, hanggang sa mga tugtugang bayan, mula sa mga piketlayn hanggang sa mga rali laban sa pasismo at para sa reporma sa lupa, madalas kakabit ng mga aktibidad na ito ang kanyang sining. Si Jess Santiago na mas kilala bilang si Koyang sa mga batang henerasyon ng mga aktibista ay naging matatag at maaasahang boses ng bayang nagpupumiglas sa pagsasamantala at pang-aapi mula pa noong panahon ng Martial Law hanggang sa kasalukuyang panahon.
[ultimate_spacer height=”100″]
[ultimate_spacer height=”200″][ultimate_heading main_heading=”Ang Pinagmulan, Isang Eksenang Maligaya” main_heading_color=”#ffffff” main_heading_font_family=”font_family:Trocchi|font_call:Trocchi” main_heading_font_size=”desktop:42px;” main_heading_style=”font-weight:bold;”][/ultimate_heading][ultimate_spacer height=”200″]
[ultimate_spacer height=”50″]

Pangatlo sa anim na anak nina Prisco Santiago at Marta Manuel si Jess. Si Mang Prisco ay barbero sa komunidad nila at soloista ng clarinet sa brassband ng Obando, Bulacan. Ang ina naman niya ang pangunahing tumututok sa maayos na pagpapalaki nilang magkakapatid. Paminsan-minsan, nagbuburda siya ng mga damit pang-sanggol upang mapunuan ang pangangailangan ng pamilya.

Si Jess at ang kuya niyang si Mario ay maagang iminulat ng kanilang ama sa musika. Tinuruan silang tumugtog ng clarinet. Pinangarap ng ama na maging musikero ang mga anak upang makapasok sa banda ng papasukang hayskul at sa gayo’y makalibre sa matrikula.

Palibhasa’y bata pa at ang hilig ay maglaro at gumuhit, dalawang linggo pa lang ay nawalan na siya ng interes dito.

Biro pa nga niya nang tanungin kung dati nang kumakanta, “Ang pinaka-kanta ko [noon], tuwing mahal na araw…magbasa ng pasyon.”

Ang barber shop ng ama ang nakagawiang tambayan ng mga kasamahan nito sa brass band. Dito sa barberya unang naobserbahan ni Jess ang talinghaga ng masa.

“Puro sila biruan at tawanan. Pinagtatawanan lang nila ang mga pinagdadaanan nilang hirap sa buhay,” aniya.

Nag-aral ng elementarya si Jess sa public school ng Obando at nag-hayskul naman sa Gregorio Sancianco sa Malabon. Kapag wala sa paaralan, madalas makita si Jess sa lansangan, nag-aalok ng sari-saring paninda gaya ng saging, dyaryo, komiks. At kung minsan ay errand boy o utusan sa mahjongan/sugalan.

Huling hati ng dekada ‘60, kumuha ng kursong BS Accounting si Jess sa Philippine School of Business Administration (PSBA). Ngunit tumigil siya sa pag-aaral nang ikalawang taon niya dahil sa malubhang karamdaman sa mata at sa mas kagyat na pangangailangang kumita ng pera.

Sa pabrika ng tela sa Baesa, Novaliches unang natutunan ni Jess ang kahulugan ng pagsasamantala ng kapital sa manggagawa.

Sa pabrika ng tela sa Baesa, Novaliches unang natutunan ni Jess ang kahulugan ng pagsasamantala ng kapital sa manggagawa. Naikot niya ang lahat ng departamento mula knitting hanggang weaving. Naranasan niya rin ang shifting ng trabaho mula alas-6 ng gabi hanggang alas-2 ng madaling araw na shift. Sa anim na pisong sweldo na nakasaad sa kontrata, P4.50 lang ang aktwal nilang natatanggap.

[ultimate_spacer height=”200″][ultimate_heading main_heading=” Ang Mahabang Gabing “Tahimik”” main_heading_color=”#ffffff” main_heading_font_family=”font_family:Trocchi|font_call:Trocchi” main_heading_font_size=”desktop:42px;” main_heading_style=”font-weight:bold;”][/ultimate_heading][ultimate_spacer height=”200″]
[ultimate_spacer height=”50″]

Nang muling mag-aral sa PSBA, naging editorial cartoonist at associate editor si Jess ng Business Journal, ang pahayagang pangkampus ng kolehiyo. Bilang isang campus journalist, kabilang siya sa College Editors’ Guild of the Philippines o CEGP, na noong panahong iyon ay pinamumunuan ni Antonio Tagamolila, isang progresibong manunulat at aktibista.

Bagamat namulat sa kahirapan, hindi naging awtomatiko para kay Jess ang magpaorganisa sa mga organisasyong pangkabataan. Para kasi sa kanya, ang pakikisangkot ay isang seryosong bagay na dapat pagnilayan nang husto.

Noon ngang mga unang buwan ng Sigwa ng UnangKwarto (FQS), ayon kay Jess, “nagmamasid pa lang ako sa sidelines.”

Hindi nagtagal, mula sa pag-aatubiling magpaorganisa, tumigil sa pag-aaral si Jess upang gumampan bilang buong-panahong organisador ng masa. Kumilos siya sa hanay ng mga medical students sa mga unibersidad hanggang sa mga minero sa mga minahan.

“…batid din ng ama ang adbokasiya ng anak kung kaya’t kahit sa lalim ng gabi na kahit kaluskos ng kuliglig ay dinig,tangan ang gunting at labaha, ginupitan ng buhok ang anak ayon sa dikta ng Bagong Lipunan.”

Isang gabing tahimik, dinalaw ni Jess ang kanyang mga magulang sa Obando. Kung gaano kahaba ang buhok niya noon (hanggang ngayon) ay siya ring haba ng panahong hindi niya nadalaw ang tahanan. Batid ng ama na ang mahabang buhok ni Jess ay maaaring makatawag-pansin at pagmulan ng suspetsa ng mga pwersang pangseguridad ng estado. Ngunit higit pa sa rasong ito, batid din ng ama ang adbokasiya ng anak kung kaya’t kahit sa lalim ng gabi na kahit kaluskos ng kuliglig ay dinig, tangan ang gunting at labaha, ginupitan ng buhok ang anak ayon sa dikta ng Bagong Lipunan.

Magkahalong pananabik at pag-aalala ang emosyong bumabalot sa pamilya kung kaya’t isang nagmamadaling paalam ang pabaong alaala ng ama’t ina sa anak. Ang gabing iyon ang unang gabi ng pagdeklara ng Batas Militar ni Marcos.

Idineklarang iligal ang mga organisasyong masa tulad ng Kabataang Makabayan (KM), Samahang Demokratiko ng Kabataan (SDK) at maging ang CEGP. Laksa-laksang aktibista, kasabay ang mga kalabang pulitiko ng rehimen, at maging mga inosenteng mamamayan ang tinortyur, ikinulong, ipinadukot at ipinapaslang ni Marcos. Maswerteng nakaligtas si Jess sa mga ito, kaya ganoon na lang ang pagpapahalaga niya sa mga martir ng pakikibaka at mga bilanggong pulitikal.

mula sa First Quarter Storm Facebook page
mula sa First Quarter Storm Facebook page

[ultimate_spacer height=”200″][ultimate_heading main_heading=”Kung ang Tula ay Isa Lamang…” main_heading_color=”#ffffff” main_heading_font_family=”font_family:Trocchi|font_call:Trocchi” main_heading_font_size=”desktop:42px;” main_heading_style=”font-weight:bold;”][/ultimate_heading][ultimate_spacer height=”200″]
[ultimate_spacer height=”50″]

 

Mas malaking hamon at suliranin ang idinulot sa mga aktibista ng bagong sitwasyon. Umabot sa puntong hindi na nakabalik si Jess sa kanyang lugar na kinikilusan. Sunod niyang sinubukang ipagpatuloy ang pagkilos sa paaralan ngunit nahirapan siyang umugnay sa mga kasama niya, at umangkop sa kalagayang lantad na patakaran ng estado ang batas militar.

Kalaunan ay nagdesisyon si Jess na mamasukan bilang bookkeeper ng isang negosyanteng Tsino na may-ari ng hardware, grocery, at deep-sea fishing sa Malabon.

Taong 1974, dinapuan ng matinding sakit sa gulugod at nanatiling nakaratay ng mahaba-habang panahon si Jess. Dahil walang pambayad pampaopera sa likod, at wala rin halos natanggap na tulong mula sa gubyerno, sinagot ng amo nito ang gastos sa operasyon.

Habang nagpapagaling nang may nakakabit na suportang bakal mula leeg hanggang baywang, “tinuruan ko ang sariling magsulat,” kwento ni Jess.

Nagsimula siya sa paisa-isang linya, paberso-berso hanggang makabuo ng mga piyesang malaon ay kikilalanin maging ng Cultural Center of the Philippines.

Isang anunsyo sa dyaryo para sa scriptwriting workshop ang nagbigay ng pagkakataon kay Jess na makaugnayan ang iba pang manunulat. Naging interesado siya rito dahil sabi nga niya, “Wow, nababasa ko lang sila sa Liwayway.”

litrato ni Rogelio Sicat mula sa https://palihangrogeliosicatupdiliman.wordpress.com
litrato ni Rogelio Sicat mula sa https://palihangrogeliosicatupdiliman.wordpress.com

Una niyang nakausap si Rogelio Sicat na pinag-abutan niya ng kanyang mga tula. Binalikan niya ito sa UP matapos ang ilang linggo at tinanong, “Sir, ano pong masasabi mo sa mga sinulat ko. Marunong ba ako magsulat?”

Hindi siya sinagot nito at sa halip ay iniabot ang bagong isyu ng Philippine Collegian. Hindi makapaniwala si Jess habang binabasa ang sariling tulang Walang Diyos sa Bunton ng mga Layak sa pangunahing pahayagang pang-estudyante ng buong Unibersidad ng Pilipinas (UP). Sumunod naman na nailathala sa Literary Apprentice ng UP ang tula niyang Awit Kay Bruno.

“Sabi ko sa sarili ko, pagbibigyan ko ang sarili kong magsulat. Sa loob ng isang taong walang mangyari sa pagsusulat ko, babalik ako sa eskwela, ipagpapatuloy ko ang pagiging CPA ko,” ang nakangiting kwento ni Jess.

Wala pang isang taon mula nang magdesisyong magsulat nang buong panahon, nasama na siya sa UP Writer’s Workshop kasama sina Ricky de Ungria, Bibeth Orteza, Teo Antonio at Ruel Aguila. Naging myembro na rin siya ng Galian sa Arte at Tula o GAT, nanalo ang koleksyon ng mga tula sa CCP at nagtrabaho bilang istap ng Diliman Review kasabay nina Ricky Lee, Flor Caagusan, at Herminio Beltran.

litrato mula sa Facebook page ni Tonyo Cruz
litrato mula sa Facebook page ni Tonyo Cruz
[ultimate_spacer height=”200″][ultimate_heading main_heading=” Nang Mangusap ang Gitara” main_heading_color=”#ffffff” main_heading_font_family=”font_family:Cutive|font_call:Cutive” main_heading_font_size=”desktop:42px;” main_heading_style=”font-weight:bold;”][/ultimate_heading][ultimate_spacer height=”200″]
[ultimate_spacer height=”50″]

Oktubre 1975, nayanig ang Batas Militar ni Marcos nang matagumpay na nailunsad ang welga ng mga manggagawa sa La Tondeña. Naging mitsa ito ng paglaganap at pagdalas ng marami pang mga welga at iba’t iba pang tipo ng kilos protesta kahit pa sa gitna ng mapanupil na Batas Militar.

Sa paglawak at paglaki ng mga pagkilos at pagtitipon, ligal man o lihim, humigpit din ang pangangailangang paramihin, paghusayin at pasiglahin ang progresibong sining at panulat. Dito muling nanumbalik ang pagiging musikero ni Jess na malaon na niyang nalimot.

Sa unang kanta pa lamang, inalay na ni Jess ang kanyang sining para sa masa (Hayaang Mangusap ang Aking Gitara, 1975).

Ang aking gitara ay langay-langayan

Malayang katulad ng hanging amihan

Subali’t sa mundo’y maraming salarin

Ibo’y parang taong kanilang binabaril

I-click ang link upang mabasa ang lyrics ng buong kanta

Simple at matalas na nilatag ng kantang Martsa ng Bayan (1981) ang saligan at kagyat na adhikaing progresibo ng panahon na sinaliwan ng kaiga-igayang melodiya.

Manggagawa at magsasaka

Kabataan at propesyunal

Mga alagad ng simbahan

Negosyante at pinunong makabayan

Tayo na at magkapit-bisig

Tapusin ang daan-taong pang-aalipin

I-click ang link upang mabasa ang lyrics ng buong kanta

Tagos naman sa kaluluwa ang pagpapakilala ni Jess kina Lina, Pedro, at Maria, mga representasyon ng masang api sa kantang Halina (1976).

Si Lina ay isang magandang dalaga

Panggabi sa isang pabrika ng tela

Sumapi sa unyon, sumama sa welga

Biglang nagkagulo, nawala si Lina

Nang muling makita’y hubad at patay na

 

Hindi nakapagtatakang lapat sa karanasan ng masa ang mga panulat at awit ni Jess. Kasing dalang kasi ng ulan sa panahon ng tag-init para sa kanya ang pagkakataong makapagsulat ng mahabang oras sa isang tahimik at kumportableng silid. Kung wala sa biyahe ay madalas nakikipagkolaborasyon sa mga kapwa artista at aktibista sa lansangan, sa piketlayn ng mga manggagawa, o sa mga maralitang komunidad sa lungsod, sa loob at labas ng NCR. Isa siyang mag-aaral ng masa.

Madalas din na hindi kumbensyunal ang sirkumstansyang nagluwal sa mga awit ni Jess. Tulad ng kantang Teacher’s March na naisulat ni Jess sa bus papunta sa unang Kongreso ng Alliance of Concerned Teachers o ACT. Sa backstage naman naisulat ni Jess ang kantang Nasaan si Padre Rudy Romano?

Hayaang mangusap ang aking gitara

Martsa ng Bayan

Halina

[ultimate_spacer height=”200″][ultimate_heading main_heading=”Ang Pagbihag sa Talinghaga ng Ating Panahon” main_heading_color=”#ffffff” main_heading_font_family=”font_family:Trocchi|font_call:Trocchi” main_heading_font_size=”desktop:42px;” main_heading_style=”font-weight:bold;”][/ultimate_heading][ultimate_spacer height=”200″]
[ultimate_spacer height=”50″]

“Ang lagi kong sinasabi sa mga batang makata, bihagin nila ang talinghaga ng panahon nila,” pahayag ni Jess.

Ito ang payo niya sa ilang kabataan na nagsasabi na kaya daw siguro mahusay ang mga tula at panulat nila ay dahil nalikha ito sa panahong lubos ang pang-aapi kung kaya’t lubos din ang pagdaing ng bayan. Ayon pa sa kanya, may kani-kaniyang katangian, naratibo, hamon, bentahe at disbentahe ang bawat panahon.

Noon, malaking hamon ang pagpapalaganap ng mga gawa. Subalit ngayon, dahil sa pag-unlad ng teknolohiya, hindi na ito ganoong kalaking usapin kumpara noong panahon ng Martial Law. Ayon pa sa kanya, buong mundo na ang potensyal na mambabasa at tagapakining ng mga tula at awit. Isang click lang sa kompyuter na nakakonekta sa Internet. Dito na rin aniya nagmumula ang ilang problema partikular sa mga manunulat.

“post nang post, minsan napapabayaan na ang kalidad ng pagsulat at kabuluhan ng nilalaman.”

Ayon kay Jess, “post nang post, minsan napapabayaan na ang kalidad ng pagsulat at kabuluhan ng nilalaman.” Mahirap din aniya ang tendensiya ng ilan na gawing sukatan ang likes sa Facebook.

Pagdidiin ni Jess, “mas malaki ang responsibilidad ng mga manunulat at artistang progresibo, lalo pa’t pinaglilingkod ito sa adhikain ng sambayanan.”

Dagdag pa niya na sa layuning makumbinsi ang magbabasa sa kawastuhan ng sinasabi ng piyesa, kailangan ang mahusay na paglalatag ng ideya. Hindi sapat na tama ang sinasabi para maging rason upang pabayaan ang aspeto ng porma ng sining.

Isang epektibong paraan ng pagpapaunlad ng sining ang matuto mula mismo sa masa lalo pa’t madalas pa rin mangyari na sa paglarawan sa masang anakpawis, burgis pa rin at hindi mga magsasaka o manggagawa ang mukha, lenggwahe at pananaw na naipapakita.

Ayon nga kay Jess, “Hindi pwedeng maliitin ang kakayahan ng masa na umintindi ng talinghaga sa literature. Mas matalinghaga nga magsalita ang karaniwang tao kaysa sa atin, mas makulay ang lenggwahe [nila].”

Mahalaga para kay Jess ang pagpapasigla at pagpapataas ng pampulitikang kamalayan ng mga artista at pagsasanay sa sining. Ang susi sa pagpapaunlad ng antas ng sining at panulat aniya ay ang pagiging mulat ng isang artista na kailangan niyang mag-aral at magpaunlad sa sining na pinili.

“Hindi pwedeng maliitin ang kakayahan ng masa na umintindi ng talinghaga sa literature. Mas matalinghaga nga magsalita ang karaniwang tao kaysa sa atin, mas makulay ang lenggwahe [nila].”

Mahalaga rin para kay Jess ang pananaliksik at ang paglubog o pakikipamuhay sa masa. Importante rin bilang artista na hindi lang para sa sining ang adbokasiyang isinusulong. Pinakamahalaga na isulong ang adhikain ng sambayanan at ipaloob at pagsilbihin ang sining at panulat sa adhikaing pambansang pagpapalaya (paglaya mula sa pagkubabaw ng mga dayuhang bansa lalo na ng Estados Unidos o US sa ating ekonomiya, pulitika at kultura) at pagtupad ng demokratikong interes ng malawak na mamamayan (lupang mabubungkal para sa magsasaka, nakabubuhay na sahod, disenteng trabaho para sa mga manggagawa, at iba pa).

 

 

mula sa Facebook page ni Axel Pinpin
mula sa Facebook page ni Axel Pinpin

Pinuna rin ni Jess ang mga makatang nagtatakwil sa pulitikal na katangian ng tula ngunit sa totoo ay pulitika ng naghaharing-uri ang dinadala. Ayon nga sa isang tula niya—

Kung ang tula ay isa lamang pumpon ng mga salita,

nanaisin ko pang ako’y bigyan ng isang taling kangkong

I-click ang link upang mabasa ang buong tula

EDDIKSERRANO
dibuho ni Jess Santiago

 

 

Sa ngayon, binabalikan ni Jess ang talento sa pagpinta. Kamakailan lang nga ay naisama ang pininta niyang larawan ni Eduardo Serrano o Eddik, isang bilanggong pulitikal, gamit ang watercolor bilang midyum sa isang eksibit sa Quezon City na pumapaksa sa kalagayan ng mga bilanggong pulitikal sa bansa. Sa kasamaan ng kasalukuyang pamahalaan, pumanaw dahil sa komplikasyon sa puso ang labing-isang taong nakapiit na si Eddik na hindi pa rin pinalaya kahit may malubhang karamdaman at kahit pa nakailang pagkakataon nang napatunayan sa korte na wala siyang sala.

 

 

[ultimate_spacer height=”200″][ultimate_heading main_heading=” Ang Patuloy na Pakikibaka” main_heading_color=”#ffffff” main_heading_font_family=”font_family:Trocchi|font_call:Trocchi” main_heading_font_size=”desktop:42px;” main_heading_style=”font-weight:bold;”][/ultimate_heading][ultimate_spacer height=”200″]
[ultimate_spacer height=”50″]

Ilang dekada na mula nang unang mangusap ang gitara at unang tumula si Jess Santiago, subalit wala pa ring signipikanteng pagbabagong naganap sa buhay ni Lina, ni Pedro, at ni Maria mula Martial Law at maging mula EDSA 1986.

Animnapu’t limang taon na si Jess ngayon ngunit madalas pa rin siya makitang kaisa ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita, kasama ng mga migranteng Pilipino sa pagsulong ng interes ng mga ito tulad ng pagsagip sa buhay ni Mary Jane Velasco. Patuloy pa rin siya sa pakikiisa sa mga manggagawa ng Kentex na namatayan sa nasunog na pabrika at sa mga kontraktwal na manggagawa ng Tanduay. Kabahagi pa rin ang kanyang boses at gitara sa paghanap ng katarungan para sa mga pamilya ng desaparecidos at pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal. Kasama rin siya ng mga Lumad sa panawagang palayasin ang mga militar at mga kumpanyang mina mula sa kanilang lupang ninuno sa Mindanao, at kakapit-bisig ng mga guro na tutol sa pagpapatupad ng makadayuhang K-12 na nagpapalabnaw sa pambansang wika, kasaysayan at sining.

Patuloy siyang naninindig na tanging sa pagkamit lamang sa pambansang kalayaan mula sa imperyalismong US, sa pagkamit sa tunay na reporma sa lupa, at sa pagtatataguyod ng pambansang industriyalisayon lamang makakamtan ng sambayanan ang kulturang makabansa, siyentipiko at makamasa.