Abril 15, 2020
Hon. Diosdado M. Peralta
Chief Justice
Supreme Court
Dear Hon. Peralta,
Kame po ang pamilya ni Cora Agovida ay dumudulog ng pansamantalang pagpapalaya sa kanya na sa kasalukuyang nakakulong po sa Manila City Jail, Recto, Manila. Alam naman po naten ang kalagayan sa loob ng kulungan na nagdudulot po sa amen ng pagkabahala sa kalusugan ng bawat isa na nasa loob lalo na po sa ngayon na hinaharap na suliranin ng ating bansa na dulot ng COVID19. Kame po ay lubos na nagaalala sa kalagayan ni Cora sa loob.
Si Cora po ay may naiwan ng dalawang anak na edad 2 at 10 na nasasabik din po ng kalinga ng isang ina. Ang ama po ni Cora na si Ramon Agovida na edad 66 na may karamdaman na nais din po makapiling siya kahit po pansamantala lamang. Kame po ay handang makipagcoordinate sa autoridad sa mga kundisyon na maaring ibigay sa amin.
Kame po ay umaasa at nananalangin na mapagbigyan ang aming kahilingan.
Gumagalang,
Ramon Agovida
Ama
Fatima Solitario
Kamag-anak
===
Ang sulat na ito ay orihinal na inilathala ng Kapatid – Families and Friends of Political Prisoners