Ito na ang naging panawagan ng mga progresibong grupo matapos i-endorso ngayong araw ng 215 na miyembro ng House of Representatives ang ika-4 na impeachment complaint laban kay bise-presidente Sara Duterte.

Nakasaad sa impeachment complaint ni Duterte ang betrayal of public trust, graft and corruption sa misuse ng confidential funds, amassing unexplained wealth, high crime of murder and conspiracy to commit murder, at iba pa.

Giit naman ni Bayan Muna Partylist 1st nominee Neri Colmenares na importante ang impeachment dahil ito ang last accountability mechanism para sa mga katulad ni Sara Duterte.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here