Nasa mandato pa rin ng mga pribadong sektor ang usapin ng pagsusuot ng faceshield. Ito ay matapos maglabas ng pahayag ang National Task Force (NTF) Against COVID-19 noong Sabado, Nobyembre 20.

Paglilinaw umano ito sa inanunsyo ng palasyo noong Martes, Nobyembre 16, hinggil sa pagiging boluntaryo na lamang ng paggamit ng faceshield.

Bersyon sa palasyo

“Ang desisyon ko ay, okay, tanggalin niyo na yung shield. Pwede niyo nang tanggalin ang shield but not the mask. Wearing a mask will forever remain and it will be part of our day to day part of safety measure”, ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakasaad sa Inter-Agency Task Force Resolution No 149 na boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng faceshield sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert level 1 hanggang 3 sa ilalim ng mga bagong klasipikasyon ng COVID-19 quarantine.

Sa kabilang banda, mandatoryo pa rin ang palisiyang ‘no faceshield, no entry’ sa mga sa mga medical at quarantine facilities maging sa lugar na nasa ilalim ng Alert level 5 at mga bahagi na mayroong “granular” lockdown. Sa mga lugar naman na nasa ilalim ng Alert level 4 ay nasa kamay ng mga lokal na pamahalaan kung susunod sila sa nasabing ordinansa.

Maging conscious

Bagamat sinasabing may pahintulot na ang gobyerno hinggil sa hindi paggamit ng faceshield, binigyang linaw ng NTF spokesperson Restituto Padilla na kinakailangan maging conscious ang publiko at huwag masamain ang patuloy na paggamit ng faceshield.

“Kung ang [stall] owners ay nag-require ng face shield, ‘yan naman po ay para sa kapakanan at kabutihan ng lahat. Hindi po ito nagbibigay ng kundisyon para pahirapan tayo, pero para maprotektahan tayo. Kaya sana po ay huwag niyo masamain,” saad pa ni Padilla.

Matatandaan din na nagpahayag ang iba’t ibang lokal na pamahalaan sa usapin ng pagsusuot ng faceshield, na anila’y sila nasa kanila ang pagtatakda at mandato kung pag-uusapan ang mga partikularidad sa sitwasyon ng bawat siyudad.

Restriksyon sa kabataan

Muli na namang nakaamba ang paglilimita sa paggalaw ng mga kabataan partikular sa mga batang edad 11 pababa na wala pang aprubado na bakuna.

Ito ay bunsod sa naging kaso ng dalawang taong gulang na bata na nag-positibo at sinasabing nahawa matapos mamasyal sa mga “mall”, dahilan upang mananawagan ang pangulo sa iba’t ibang lokal na pamahalaan ng iba’t ibang lungsod na huwag munang payagan ang mga batang may edad 11 pababa na hindi mga bakuna.

“I am calling all local government units to consider passing ordinances for age restrictions along minors who can be allowed to go to the malls. Certainly, we cannot allow those below 12 years old or those still unvaccinated to be exposed to getting COVID-19 in public places,” pahayag ng pangulo.

Higit 1,474 ang dumagdag sa kasalukuyang bilang ng COVID-19 infection sa bansa, ayon sa ulat ng Department of Health. Dagdag pa ng ahensya, ikalimang araw na ring mababa sa 1,500 ang lumalabas na ulat sa bilang ng mga kaso.

Kung susumahin, mayroong 2,824,499 bilang ng kaso at 22,070 rito ang aktibo. Samantalang 205 naman ang nadagdag sa bilang ng mga namatay na may kabuoang bilang na 46,903.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here