Paranoid ba ako? Siguro nga, pero kung mababasa, at lalu kung marinig ang kwento ng mga biktima at mga testigo gaya ni Raymond Manalo, kahit ikaw siguro mapapraning. Siguro kung sa ibang lugar nangyari ang kitaan, siguro nag softdrinks lang ako sa tindahan, uunti-untiin ang softdrinks habang nagyoyosi hanggang magtext si Mokong; hindi siguro ako kakabahan kung hindi ko alam na dito pala nahuli ang berdugo.

Matapos ang usapan umuwi agad ako ng bahay, nagmamadali kong binuksan ang computer, nag-login sa blog, at nagsulat…

 

“The common features in the methodology of the attacks, leftist profile of the victims, and an apparaent culture of impunity sheilding the perpetrators, has led Amnesty International to believe that the killings are not an unconnected series of criminal murders, armed robberies or other unlawful killings. Rather, they constitute a pattern of politically targeted extrajudicial executions taking place within the broader context of a continuing counterinsurgency campaign”

Amnesty International(AI) Report, Philipippines: Political Killings, Human Rights and the Peace Process, August 2006, p.1.

 

Nahuli na ang berdugong si Palparan at sana ay mapanagot ito at pati na ang iba pang kasamahan nito sa mga krimen. Pero sa ilang kabaro nito, bayani ang tingin sa dating heneral, isang propesyunal na sundalong gumagampan lang sa tungkulin. Galit lang daw ang mga kaaway nito, epektibo daw kasi nitong na-neutralize ang mga kaaway ng gubyerno kaya pilit siyang sinisiraan. Nakakapangilabot ang ganitong tunguhin ng pag-iisip sa hanay ng kasundaluhan. Pero sige, patulan natin ang reasoning nila. Nadestino si Palparan sa Mindoro, Samar, at Central Luzon pero kahit noong Heneral pa ito hanggang ngayon mababalita parin ang mga presence ng mga NPA sa lugar, nakakapaglunsad pa nga ng mga opensiba ang mga ito laban sa AFP. Ibang klase atang mga kaaway ang na-neutralize ni Palparan, puro kasi sibilyang walang laban ang hinuli, pinatay, at dinukot. Tinatanggi ng dating Heneral at ng mga taga-suporta nito na may kinalaman ito sa hulihan, dukutan, at patayan pero sa tuwing tatanungin tungkol sa mga biktima, iilan lang ang madalas na sagot– “he/she is an NPA member”, o kaya “a member of leftist groups” “NPA sympathizers”, o kaya naman “front organizations of the CPP/NPA.” Mga bansag na may layong linlangin ang publiko na isang pagtatanggol-sa-sarili at isang pagtataguyod sa tungkulin bilang sundalo ang mga kahayupang pinaggagawa nila.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here