Singkwenta pesos nalang pera ko, pamasahe ko nalang ito pauwi, pero…magpapaload na muna ako…madali nalang manghiram ng pamasahe mamaya. Nakailang misscall na ako… either unattended or out of coverage area ang sagot ng number ni Mario. Halos dalawang oras na akong naghahanap, hindi ko parin siya makontak. Samantalang ilang minuto bago ako dumating ng court, nakatext pa siya na naghihintay na. Sa may poste ng Meralco sa labas ng court, nakita ko si Ms. mala-Solenn Heusaff na may kausap na pulis. Napaisip ako, anong kaugnayan niya sa lahat ng ito, pero teka. Baka naman wala lang, buwiset- praning!

Bumalik uli ako sa simbahan, bigla akong napadasal ng wala sa oras “Lord, sana po magtext na si Mokong, mabait po yun. Huwag po ninyong hayaan siyang makuha ng mga demonyo. Lord Amen.” Hindi ko na kaya ito, halos dalawang oras na, pupuntahan ko na ang mga kasama sa PUP at magpapatulong, pero bago iyon pinasya kong subukan uli kumontak ng isa pa, nang biglang tumunog ang cellphone ko “Riiiiiiiiing, riiiiiing…” “Salamta sa diyos na ba to?” ang bulong ko sa sarili.

“Hello saan ka na Rico” ang sabi ng kabilang linya.

Tatlong segundo bago ako sumagot, pinaulit-ulit ko sa isip yung boses, si Mario na nga ba itong tumatawag?

“Hello Rico, hello helo huuy!…” confirmed siya nga.

Sumagot na ako, “puta pards saan ka na, kanina pa ako nagtetext at tumatawag!? ”

“Ganun ba? Pasensya na, nag-CR lang ako dito simbahan, sakit ng tiyan ko e. Nalobat pa phone ko kaya nagpacharge pa ako dito sa tindahan ng mga cellphone. Nag PM na nga pala sa FB si Leo, punta lang raw tayo, di daw siya maka-reply at Smart ka kasi. Sige punta na ako jan.”

Nagkita rin kami sa wakas at tumuloy na kami pa-PUP. Nadaanan ko na naman yung bahay na pinaghulihan ng berdugong Heneral, nakakakilabot parin ang feeling. Nakasalubong ko rin sa may labas ng presinto ng pulis si Ms. mala-Solenn Heusaff, may kasamang lalaki. Batay sa pagkaka-akap niya sa lalake, mukhang bf ni Ms. mala- Solenn ito, umiiyak siya sa bisig nito, hindi ko alam kung bakit.

Loading spinner

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here