Sa pagpasok ng bagong administrasyon ngayong taon, bitbit nito pag-asang magkakaroon ng pagbabago lalong lalo na ang mga isyung kinaharap ng mga nagdaang namuno. Narito ang sampung isyu na patuloy na hinihintay mabigyan ng karampatang hustisya.

 

9Pagkamatay ni Jennifer Laude

Matagal na nating nakamit ang kalayaan mula sa mga kamay ng mga mananakop ngunit sa kasalukuyang sitwasyon ng ating bansa ay hawak pa rin tayo ng Estados Unidos (US). Isang patunay dito ang malagim na sinapit ni Jennifer Laude sa kamay ng isang US Marine na si Joseph Scott Pemberton. Si Pemberton ay nasa bansa para sa Visiting Forces Agreement (VFA) dalawang taon na ang nakakalipas.

Abril ng taong ito naaprubahan na ng Regional Trial Court ng Olongapo City ang pagkakakulong ni Pemberton ng anim hanggang 10 taon.

Marapat na magsilbing leksyon ito upang muling buksan ang pagrerebisa ng VFA at mas lalo pang mapanghimasok na kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at US tulad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) at Mutual Advisory Agreement.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here