Sa pagpasok ng bagong administrasyon ngayong taon, bitbit nito pag-asang magkakaroon ng pagbabago lalong lalo na ang mga isyung kinaharap ng mga nagdaang namuno. Narito ang sampung isyu na patuloy na hinihintay mabigyan ng karampatang hustisya.

 

1Mendiola Massacre

Kuha ni Luis Liwanag

Pagtuntong ng 2017, aabot na sa 30 taon ang lumipas, hustisya pa rin ang isinisigaw ng mga magsasaka sa tuwing gugunitain ang malagim na pangyayari ng Mendiola Massacre ng Enero 23. Tunay na reporma sa lupa pa rin ang panawagan ng mga magsasaka. Sa kasalukuyan, hindi pa rin pagmamay-ari ng siyam sa bawat 10 magsasaka ang lupang kanilang sinasaka.

Sa taong 2016, huling komemorasyon ng Mendiola Massacre sa ilalim ng administrasyong Noynoy Aquino, sa halip na hustiya ang ipagkaloob para sa 13 buhay na nawala, nadagdagan pa ito ng panibagong biktima ilang araw bago ang komemorasyon. Ayon sa ulat ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura, tinortyur at pinapatay si Benjie Sustento ng mga panginoong may lupa na nagpapatakbo ng aryendo sa bayan ng Murcia, Negros Occidental. Isa ring benepisyaryo si Sustento ng mapagpanggap at bigong Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa kanilang rehiyon. Ipinatupad ang CARP sa ilalim ng dating Pangulong Corazon Aquino, siya ring pangulong commander-in-chief ng mga militar na nagpaulan ng bala sa isa sanang mapayapang rally ng mga magsasaka sa paanan ng Palasyo ng Malakanyang.

Makalipas ang halos tatlong dekada, nagdaan na ang ilang pangulo at malapit ng matapos ang termino ng pangalawang Aquino sa Malakanyang, hindi pa rin naipagkakaloob ang ni isa sa hustiya at lupa na patuloy na iginigiit ng mga magsasaka.

 

Back

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here