Sa pagpasok ng bagong administrasyon ngayong taon, bitbit nito pag-asang magkakaroon ng pagbabago lalong lalo na ang mga isyung kinaharap ng mga nagdaang namuno. Narito ang sampung isyu na patuloy na hinihintay mabigyan ng karampatang hustisya.

 

8Batas Militar

Nabuksan at nanariwa ang sugat ng Batas Militar sa taong ito, mula sa pagtakbo ni Bongbong Marcos, Jr. sa pagka-bise presidente at sa paglilibing kay Ferdinand Marcos, Sr. sa  Libingan ng mga Bayani (LNMB).

Sampung araw makalipas ng paglalabas ng desisyon ng Korte Suprema na nasa poder si Duterte bilang Presidente para iutos ang pagpapalibing ay inilibing si Marcos sa LNMB kahit pa maaari pang umapela ang mga tumututol dito. Naging patago pa ang paglilibing, kung kaya’t sinabi ng mga mamamayan na hanggang sa paglilibing ay mapanlinlang ang mga Marcos.

Naipaalala sa atin ng malaking trahedyang ito ang kasahulan ng Batas Militar si Marcos at nagbukas ito ng daan para sa pag-aaral at pagtalakay sa panahong ito. Nalaman natin higit 70,000 pang mga biktima ng Batas Militar ang hindi nabibigyan ng ni singkong kumpensasyon labas pa sa higit 9,000 nagkaso laban sa mga Marcos at nanalo sa korte sa Hawaii, habang patuloy na nilalabanan ng mga Marcos ang pagbibigay ng mga kumpensasyon sa mga biktima sa pamamagitan ng pagbawi ng mga ninakaw na pampublikong pag-aari. Nalaman ng buong bansa na malaking pera pa sa tinatayang ninakaw ng mga Marcos ang hindi pa narerekober ng gobyerno. Naipaalala sa buong bayan na hindi pa umaamin sa mga kasalanan ang mga Marcos at hindi man lang humihingi ng paumanhin sa mga naging biktima, gayundin ay hindi pa nabibigyang-katarungan ang mga biktima at ang bayan sapagka’t nakabalik pa sa pulitika ang pamilyang ito.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here