Sa pagpasok ng bagong administrasyon ngayong taon, bitbit nito pag-asang magkakaroon ng pagbabago lalong lalo na ang mga isyung kinaharap ng mga nagdaang namuno. Narito ang sampung isyu na patuloy na hinihintay mabigyan ng karampatang hustisya.
7Pagpatay sa mga Lumad


Paulit-ulit na nakaranas ng pandarahas ng mga militar at paramilitar sa kanayunan ang mga Lumad sa Mindanao, lalo na ang mga grupo na umuukupa ng mga lupang ninunong pinag-iinteresan ng mga malalaking kumpanya sa pagmimina. Dahil sa mga malalang pandarahas, napipilitang magbakwit ang mga Lumad sa mga sentrong lungsod. Habang wala naman ang mga Lumad, sinisira ang kanilang mga pananim, bahay, paaralan at iilang mga kagamitan.
Sa panunungkulan ni Noynoy Aquino, umabot sa 69 ang mga Lumad na pinaslang mga paramilitar. Kabilang sa mga pinaslang ay sila Manhiloy Mantog, isang Manobo mula sa Agusan del Sur, Datu Jimmy Liguyon mula sa Bukidnon at Obet Pabiana na isang Banwaon Manobo mula rin sa Bukidnon. Nagkaroon din ng anim na masaker, kabilang na rito ang masaker ng pamilya Capion sa Kiblawan, Davao del Sur noong Oktubre 18, 2012, sa Paquibato noong Hunyo 14, 2015, at sa Han-ayan, Lianga noong Setyembre 1, 2015.
Sa kasalukuyan, nakakaranas pa rin ng mga kaso ng harassment ang mga Lumad.




























