Sa pagpasok ng bagong administrasyon ngayong taon, bitbit nito pag-asang magkakaroon ng pagbabago lalong lalo na ang mga isyung kinaharap ng mga nagdaang namuno. Narito ang sampung isyu na patuloy na hinihintay mabigyan ng karampatang hustisya.

 

6Pamamaril sa mga magsasaka sa Kidapawan

Litrato ni Rolando Que

Nakaranas ng taggutom ang mga magsasaka dahil sa lala ng El Nino at maging ang probinsya ay nasa ilalim na nga ng state of calamity. Naghintay ng tulong sa pamahalaan sa loob ng tatlong buwan, ngunit hindi dumating ang pinangakong relief. Hanggang noong pagtatapos ng Marso, desididong tumungo sa munisipyo ang mga magsasakang galing pa sa malalayong lugar para doon na sa kanilang hanay tiyak na maibigay ang 15,000 na sako ng bigas ipinangako. Sa halip na bigas ang ibinigay, pinaulanan ng bala ang mga nagpoprotestang magsasaka. Namatay ang isang magsasaka at isang dumaraan lang, at marami ang nasugatan sa tama ng bala at pag-atras mula sa pagpapaputok ng mga pulis.

Sa pagpasok ni Pangulong Duterte, na noo’y alkalde ng Davao City na nagbigay ng tulong pinansyal sa mga magsasaka sa probinsya ng North Cotabato, mabigyan din kaya ng hustisya ang malagim na pamamaril ng magsasaka? Mababaon kaya ito sa limot ng gobyerno gaya ng Hacienda Luisita at Mendiola Massacre?

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here