Sa pagpasok ng bagong administrasyon ngayong taon, bitbit nito pag-asang magkakaroon ng pagbabago lalong lalo na ang mga isyung kinaharap ng mga nagdaang namuno. Narito ang sampung isyu na patuloy na hinihintay mabigyan ng karampatang hustisya.

 

5Escalante Massacre

Paggunita sa Escalante Massacre sa Negros Occidental noong Setyembre 20, 2016. Litrato ni Efren Ricalde

Mahigit tatlong dekada na ang nakalilipas, pero taun-taun na nagpoprotesta sa Escalante City, Negros Occidental ang daan daang mamamayan mula sa iba’t ibang sektor upang gunitain ang Escalante massacre na nangyari sa panahon ng Batas Militar ni Ferdinand Marcos, Sr. Mahigit tatlong dekada na ang nakalilipas nang patayin ang 20 raliyista. Mahigit tatlong dekada na ang nakalilipas ngunit wala pa ring hustisyang nakakamit ang mga biktima.

At ngayong taon kung kailan may alingasngas ng pagbabalik ng Martial Law, panawagan ng mga biktima ng Escalante Massacre ay huwag hayaang maulit muli ang malagim na trahedyang ito. Kasama ng iba pang mga malalagim na masaker na pinagdaanan ng ating bansa, patuloy ang komemorasyon nito taun-taon upang ipaalala ang kalupitan at pagmamalabis ng mga Batas Militar. Patuloy itong nananawagan sa mga mamamayan na huwag matakot kumilos at magsama-sama upang makamit ang hustisya para sa mga biktima.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here