Sa pagpasok ng bagong administrasyon ngayong taon, bitbit nito pag-asang magkakaroon ng pagbabago lalong lalo na ang mga isyung kinaharap ng mga nagdaang namuno. Narito ang sampung isyu na patuloy na hinihintay mabigyan ng karampatang hustisya.

 

4Ampatuan Massacre

Ngayong taon, bumisita ang mga pamilya ng biktima ng Ampatuan Massacre sa Sitio Malasay sa bayan ng Ampatuan kung saan nangyari ang trahedya. Nag-alay ng misa, kandila at mga bulaklak bilang pag-alala sa mga biktima. Sa tulong na National Union of Journalist of the Philippines at Justice Now Movement, na mga miyembro rin ang mga kaanak ng mga biktima, ay naisagawa ang komemorasyon.

Nawala na sa pinakamataas na puwesto sa lokal na gobyerno sa Maguindanao ang mga Ampatuan, ngunit nananatiling isa sa mga dinastiyang pulitikal ang kanilang pamilya. Usad pagong naman ang tinaguriang “lawsuit of the century”, na dahil umano sa bagal ng takbo ng kaso at sa pagmamaniobra ng mga Ampatuan ay aabutin ng isang siglo ang paglilitis. Ngayong taon, 112 mula sa 193 na taong akusado ang nahuli at humaharap sa paglilitis. Patuloy pa rin ang paglaban para makamit ang hustisya para sa 58 biktima ng masaker na ito.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here