Sa pagpasok ng bagong administrasyon ngayong taon, bitbit nito pag-asang magkakaroon ng pagbabago lalong lalo na ang mga isyung kinaharap ng mga nagdaang namuno. Narito ang sampung isyu na patuloy na hinihintay mabigyan ng karampatang hustisya.

 

3Sunog sa Kentex

Hindi na bago ang isyu ng kontraktwalisasyon sa ating bansa. Maging kawalan ng maayos na benepisyo at kondisyon ng lugar ng trabaho hindi na rin bago sa mga manggagawa, bagamat hindi dapat at hindi makatao. Sa kabila ng iba’t-ibang mga petisyon at pagkilos ng mga unyon ay patuloy itong nilalabanan ng mga manggagawa, ngunit iniikutan ng mga kumpanya at binabalewala ng gobyerno.

Isang halimbawa na rito ay ang paggawaan ng tsinelas ng Kentex Manufacturing Corp. kung saan mahigit sa 100 ang kontraktwal na manggagawa at humigit kumulang P202 kada walong oras ang kanilang kinikita. Mahigit isang taon na ang nakakalipas nang maganap ang malagim na insidente ng sunog sa paggawaan ng tsinelas sa Kentex na nagdulot ng pagkamatay ng 74 na manggagawa.

Sa kabila nito, ang tanging naging usad ng trahedya ay ang pagsasampa ng Ombudsman ng kaso ngayong taon kina Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian at sa iba pang mga opisyal na may pananagutan sa insidente. Naaprubahan ang business permit ng Kentex sa kabila ng kanilang kakulangan sa Fire Safety Inspection Certificate noong 2014. Bukod pa rito, napag-alaman ng Ombudsman na nagkabit ng sirang wet standpipe system, mga fire alarms at sprinkler system ang korporasyon kaya’t hindi ito napakinabangan ng mga mangagawa sa oras ng trahedya. Hindi pa pinanagot ang dating Secretary ng Interior and Local Government na si Mar Roxas at dating Labor Secretary Rosalinda Baldoz sa kalagayang panseguridad ng mga pagawaan at sa kalagayan ng mga manggagawa.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here