Sa pagpasok ng bagong administrasyon ngayong taon, bitbit nito pag-asang magkakaroon ng pagbabago lalong lalo na ang mga isyung kinaharap ng mga nagdaang namuno. Narito ang sampung isyu na patuloy na hinihintay mabigyan ng karampatang hustisya.
2Hacienda Luisita Massacre


Sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte at sa pagpasok ng progresibong lider na Rafael Mariano sa Kagawaran ng Repormang Pansakahan, tumaas ang kumpyansa ng mga magsasaka na makakamit na nila ang hustisya sa naganap na masaker at mapapasakanila na ang lupang ipinangako. Ayon kay Mariano, mareresolba ang problema sa lupa at iba pang daing ng mga magsasaka ng Haciena Luisita sa loob ng tatlumpung araw noong Hulyo. Ipinatupad ni Mariano ang status quo order at isinama ang mga petisyon ng AMBALA sa kanyang resolusyon.
Ngunit nitong huling dalawang buwan ng taon, patuloy pa rin sa pangangamkam ng kubol at paninira ng mga pananim ni Barangay Captain Edison Diaz kasama ang ilan sa kanyang mga tauhan. Hindi naman natitinag ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita sa pagigiit ng kanilang karapatan doon at patuloy ang maayos na pakikipagnegosasyon.




























