Batay sa kinulumpon na ulat ng mga local government unit (LGU) sa National Capital Region (NCR) noong Abril 25, umabot na sa 4,370 ang positibo sa COVID-19 sa rehiyon. Mayroon namang 2,176 na probable at 4,478 na suspect na kaso ng sakit. Ang naitalang gumaling ay 706.

Ang positibo sa COVID-19 na namatay ay 491 sa buong rehiyon, habang 82 suspect/probable na kaso ang naitalang namatay sa Mandaluyong at Navotas.

Ang mga LGU ng Malabon, Navotas, Makati at Pateros na lang ang nagbibilang at nag-uulat ng PUM o iyong malapit sa kategoryang ‘contact’ ng World Health Organization. Hindi na isinama ng DOH ang ‘contact’ sa pagsasagawa nito ng bagong klasipikasyon.

 

Talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa NCR ngayong Abril 25

 

Ayon naman sa Department of Health (DOH), umabot na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa sa 7,294, kung saan 102 ang bagong kaso ngayong araw. Ang mga gumaling sa sakit ay umabot na sa 792 at 494 ang namatay.

 

Manila

Umabot na sa 608 ang mga residente ng Lungsod ng Maynila ang nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 matapos magtala ng Manila Health Department (MHD) ng 37 na karagdagang kaso.

Sa kasalukuyan, 851 ang itinuturing na ‘Suspect’ at wala namang residente ng lungsod ang itinuturing na ‘Probable’.

Samantala, 88 na ang nag-rekober habang 58 naman ang binawian ng buhay. Walang nadagdag na namatay sa loob ng dalawang araw.

BREAKING: Umabot na sa 608 ang mga residente ng Lungsod ng Maynila ang nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19…

Geplaatst door Manila Public Information Office op Zaterdag 25 april 2020

 

Quezon City

Umabot na sa 1,104 ang kumpirmadong kaso sa Quezon City, 265 ang suspected cases, 142 ang naka-rekober at 118 ang namatay.

Geplaatst door Quezon City Government op Zondag 26 april 2020

 

Caloocan

Naitala ang 157 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa syudad ng Caloocan, 337 na probable at 242 na suspect. Nasa 29 na ang gumaling sa sakit habang 25 ang nasawi.

Walang bagong naitalang nasawi sa loob ng dalawang araw. Lampas doble naman ang itinalang probable habang halos dumoble ang suspect sa loob ng dalawang araw na nakalipas.

Geplaatst door Mayor Oscar "OCA" Malapitan op Zaterdag 25 april 2020

 

Valenzuela

Naitala ng Valenzuela City ang 81 kumpirmadong kaso ng COVID-19 ngayong araw, 6 probable, 271 suspect, 8 naka-rekober at 6 na namatay.

 

Malabon

Ayon sa City Health Department, dalawa (2) ang nadagdag na positibong kaso ng COVID-19 sa Malabon ngayong April 25. Sa kabuuan ay nasa tatlumpu’t apat (34) na ang confirmed cases, 140 ang probable, 7 ang suspect, 6 ang gumaling at 7 ang nasawi.

Pinakamaraming kaso sa syudad ay galing sa Barangay Longos at Potrero na may tig-5 positibong kaso ng COVID-19.

COVID-19 UPDATES: Ayon sa City Health Department, dalawa (2) ang nadagdag na positibong kaso ngayong April 25. Sa…

Geplaatst door 100% Pusong Malabon op Zaterdag 25 april 2020

 

Navotas

Umabot na sa 29 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Navotas, 85 ang probable, 98 ang suspect at 7 ang gumaling. Nagtatala pa rin ng PUM ang Navotas na umabot ngayon sa 59.

Walo ang positibong COVID-19 kaso ang namatay sa Navotas pero mayroon na ring 42 na probable na namatay.

#????????? ??????As of 25 April 2020, 4PM??? = 59??????? = 98 ????? ???? ?????????? (??)PUI (mild, severe,…

Geplaatst door Navoteño AKO! op Zaterdag 25 april 2020

 

San Juan

Nakapagtala na ng 212 kaso ng COVID-19 sa San Juan, 0 ang probable, 266 ang suspect, 48 ang gumaling at 35 ang namatay. Isa ang naitalang bagong namatay ngayong araw.

Pinakamaraming kumpirmadong kaso sa Barangay Greenhills na may 42, West Crame na may 22 at Corazon de Jesus na may 20.

 

Geplaatst door Mayor Francis Zamora op Zaterdag 25 april 2020

 

Marikina

Umabot na sa 101 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Marikina, 1 ang suspect, 20 ang probable, 17 ang gumaling at 18 ang nasawi.

Pinakamaraming kumpirmadong kaso sa Barangay Concepcion Uno na may 15, Marikina Heights na may 12 at Concepcion Dos na may 11.

Pinakamaraming namatay ang galing sa Concepcion Uno na umabot na sa 4.

Narito po ang bagong impormasyon tungkol sa kaso ng Covid-19 sa Marikina:Ang impormasyon na inyong nakikita sa update…

Geplaatst door Marikina PIO op Zaterdag 25 april 2020

Narito po ang bagong impormasyon tungkol sa kaso ng Covid-19 sa Marikina:Ang impormasyon na inyong nakikita sa update…

Geplaatst door Marikina PIO op Zaterdag 25 april 2020

 

Mandaluyong

Nakapagtala na ng 338 kumpirmadong kaso sa Mandaluyong, 0 probable, 747 suspect at 56 ang gumaling.

Naitala rin ang 32 na kumpirmadong COVID-19 na namatay at 40 suspects na namatay.

UPDATE: Ang ating pong mga Probable Case at Suspect Case ay patuloy na nakatatanggap ng food assistance mula sa…

Geplaatst door Mandaluyong City Public Information Office op Zaterdag 25 april 2020

 

Pasig

Nakapagtala na ang Pasig ng 279 na kumpirmadong kaso ng COVID-19, 147 probable, 87 suspect, 76 ang gumaling at 54 ang namatay.

Geplaatst door Pasig City Public Information Office op Zaterdag 25 april 2020

 

Makati

Ngayong araw, umabot na sa 312 confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod ang kabuuang bilang na naitala ng Makati Health Department, pero aabot naman sa 371 ang naitala ng DOH. Nasa 74 ang probable, 146 ang suspect at 288 ang PUM. Base sa rekord, nakapagtala rin ang MHD ng 76 gumaling at 33 taong namatay.

Ngayong araw, April 25, 2020, umabot na sa 312 confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod ang kabuuang bilang na naitala ng…

Geplaatst door My Makati op Zaterdag 25 april 2020

 

Taguig

Nakapagtala na ng 215 kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang syudad, 0 probable, nasa 1,129 ang suspect, 26 ang gumaling at 15 ang namatay.

?????? ???? ?????-?? ???? ???????????? ??,????Nakapagtala ang Taguig ngayong araw ng 8 bagong CONFIRMED cases. Ito ay…

Geplaatst door I Love Taguig op Zaterdag 25 april 2020

 

Pateros

Nakapagtala na ng 20 kumpirmadong kaso ng COVID-19, 90 PUIs, 100 PUMs, 5 na gumaling at 4 na pumanaw noong Abril 23.

Isang Pateros Official Covid-19 Updates as 9:30am, April 23, 2020

Geplaatst door IsangPateros op Vrijdag 24 april 2020

 

Pasay

Naitala ang 161 kumpirmadong kaso ng COVID-19, 388 probable, 66 suspect, 28 ang gumaling at 18 na namatay.

Geplaatst door Pasay City Public Information Office op Zaterdag 25 april 2020

 

Parañaque

Umabot na sa 401 kumpirmadong kaso ng COVID-19, 530 ang probable, 218 ang suspect, 59 na gumaling at 31 ang namatay.

PARAÑAQUE CITY COVID-19 UPDATE!AS OF APRIL 25, 2020, 6:30PM, THE NUMBER OF CONFIRMED CASES IN PARAÑAQUE CITY IS FOUR…

Geplaatst door Mayor Edwin Olivarez op Zaterdag 25 april 2020

 

Las Piñas 

Naitala ang 127 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa syudad, 6 probable, 50 suspect, 14 gumaling at 9 namatay.

LAS PIÑAS COVID-19 UPDATE

Geplaatst door City of Las Piñas op Vrijdag 24 april 2020

 

Muntinlupa

Umabot na sa 132 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa, 462 ang probable, 15 ang suspect, 22 ang gumaling at 19 ang namatay.

Breakdown of COVID-19 cases per Barangay as of April 25, 2020, 5:00 PM. Active Suspect: 15(15 home quarantine, 0…

Geplaatst door City Government of Muntinlupa – OFFICIAL op Zaterdag 25 april 2020

 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here