Karapatan ng mamamayan! Iskolar ng Bayan! Ngayon ay lumalaban! Ngayon ay lumalaban! Iskolar ng bayan!
Taas kamaong pagpupugay sa mga iskolar ng bayan na nagsisipagtapos ngayon. Pagpupugay sa bawat kamag-anak, kaibigan at higit sa lahat, sa bawat kababayan na pinag-aral at hinubog kung ano tayo ngayon. Hindi natatapos ang ating pagkatuto sa unibersidad.
Sa katunayan, lalong mas mabigat ang ating responsibilidad na aktibong matuto sa masang Pilipino, maging kritikal at walang pag-aalinlangan na titindig sa hanay ng masang api, ng masang Pilipino. Hamon sa ating lahat na isabuhay nang tunay na diwa ng pagiging tunay na iskolar ng bayan ngayong magsisitapos na tayo. Higit kailanman, ngayong nasa ilalim tayo ng rehimeng Marcos-Duterte, lalong kinakailangan ang mga iskolar ng bayan na itaguyod ang husay at dangal sa ating paninilbihan sa bayan.
Dapat lalo nating paalabin, ang diwang makabayan at sama-sama pa rin tayong kikilos laban sa kasinungalingan, pang-aapi, sa katiwalian at kawalan ng hustisya. Manindigan tayo para sa tama at para sa hustisya. Iskolar ng bayan, hindi ka lang anak, kapatid, kaibigan o pinsan, anak ka rin ng bayan. Iniluwal, binihisan at pinalaki ka ng masang Pilipino. Ikaw ay isang iskolar, na marapat pang tanggapin ang hamon ng panahon, ang hamon na ialay ang sarili upang pagsilbihan lalo na ang mahihirap at inaapi.
Pangatawanan natin ang husay at dangal para pagsikapan at ating makamit ang tunay na kalayaan at demokrasya. Iskolar ng bayan, ipaglaban ang karapatan ng mamamayan.
Pagsilbihan ang bayan. Iskolar ng bayan! Ngayon ay lumalaban! Ngayon ay lumalaban! Iskolar ng bayan!
Never again! Never again to Martial law! Never again to Martial law!
Never again! Never again!
Lupa, sahod, trabaho, edukasyon, at karapatan ipaglaban! Ipaglaban! Lupa, sahod, trabaho, edukasyon at karapatan!
Edukasyon, edukasyon! Karapatan ng mamamayan! Karapatan ng mamamayan! Edukasyon, edukasyon!
Ang tao, ang bayan, ngayon ay lumalaban! Ngayon ay lumalaban, ang tao, ang bayan!
Talumpati ni Ron Erasmo sa Graduation Rites ng Unibersidad ng Pilipinas Manila sa Philippine International Convention Center noong ika-2 ng Agosto taong kasalukuyan.
Thank you for your sharing. I am worried that I lack creative ideas. It is your article that makes me full of hope. Thank you. But, I have a question, can you help me? https://www.binance.com/fr/register?ref=P9L9FQKY