An Open Letter to the President; IATF; Concerned Government;

Greetings!

Ako po ay isang nurse sa isang private hospital near Metro Manila. Ako po ay na-assigned sa COVID-19 unit nung buwan ng Marso. Since na-exposed po ako sa COVID-19 positive patient na namatay at may sintomas pina-swab po ako ng CHO (City Health Office). Pagkatapos ng tatlong araw, lumabas po ang resulta at nagpositibo po ako sa COVID-19. Na-admit po ako sa hospital sa loob ng halos apat na linggo at nag-home quarantine ng karagdagang 14 araw batay sa guidelines ng Department of Health (DOH).

Sa panahong naka-admit po ako, inubos ng kumpanya ko ang lahat ng sick leave at pagkatapos noong ay NO WORK NO PAY na po ako. Nakakalungkot man isipin na nagsilbi ka na at ginampanan mo ang tungkulin mo at nagkasakit dahil sa pagtugon sa tungkulin eh wala ka sahod o compensation na nakukuha during your darkest day. Nabanggit sa amin ng aming HR na may makukuha naman daw kami 100k dahil nagkasakit kami during our call of duty. Bukod pa po dito nakaranas din ako at ang aking pamilya ng diskriminasyon dahil sa pagkakasakit ko. At kelangan namin gumastos para bumili ng vitamins para i-boost ang immune system ng mga kasama ko sa bahay dahil sa sila ay “high risk.” Bukod pa dito ung agony, stress, emotional and mental torture/stress na naranasan ko habang naka-isolate or naka-admit ako and to be honest, iyong 100k na sanang makukuha namin is not enough to compensate us.

Kamakailan, nabalita sa telebisyon na mabibigay na ung compensation ng mga health care worker na namatay at nagkasakit ng COVID-19. But as soon as I received the IRR from DOH call center after calling them, biglang gumuho ang mundo ko. It was clearly indicated na ung severely ill and critically ill lang ang makakakuha ng compensation..

NAKAKADISMAYA. AT GUSTO KO SUMABOG AT ISUMPA ANG LAHAT NA NASA GOBYERNO FOR SHOWING NO COMPASSION TO ALL HEALTH CARE WORKERS FIGHTING THIS WAR AGAINST COVID-19.

During the time I was admitted, mahilig ako makinig ng news at magbasa-basa. Nag post po ang DOH na in need sila ng Health Care Worker and dun sa post nila “HINDI PO NAKA INDICATE NA SEVERELY INFECTED” instead they use the phrase “IN CASE OF INFIRMITY”. Attached here is the screenshot of the post. Napaka-misleading sa part naming health care worker kasi umaasa kami na we will get compensated in this fight against COVID-19.

Again, na-admit po ako ng lagpas isang buwan ang wala ako sinahod. Since I’m working in a private hospital, NO WORK NO PAY po ang umiiral kahit may pandemya at kahit kami ‘yung humaharap sa mga probable at confirmed COVID-19 cases. Wala kami natanggap na ayuda from government such as DOLE CAMP kasi naubusan daw ng pondo. Wala din kami natanggap na ayuda from SSS kasi hindi daw qualified ung hospital namin. AND NOW, HINDI DIN KAMI QUALIFIED SA 100K KASI HINDI NAG 50-50 or hindi kami nag-agaw buhay.

Buti pa pala ung mga tambay at nawalan ng work may natanggap na ayuda liKE SAP, 4PS, DOLE CAMP AT SSS SBWS. Pero kaming mga health care worker na nagkasakit dahil sa paggawa namin ng tungkulin naming ay wala nakuha ni singko from our government, hindi pa kami sumahod kasi NO WORK, NO PAY.. Ganito nyo ba tinatrato ang tinatawag nyong MODERN HEROES???

Gusto ko lang i-raise bakit kelangan mag severe pneumonia or critically ill ka para maging qualified ka? Hindi ba aware ang DOH na ang mild or moderate pneumonia can lead to severe or critical pneumonia if hindi naagapan? So sana pala hinayaan muna namin mag-progress ung pneumonia namin para ma-qualified kami sa 100k compensation??? Pero since we are working in the medical field, nagkaroon ng “early detection”, and pasalamat kami na-diagnose agad ung pneumonia namin in earlier stage. But sad to say, na-detect ng maaga [kaya] hindi kami qualified to get the 100k.

Sana rin maisip ng gobyerno natin na ‘yung mga na diagnosed as COVID-19 especially health care worker naka-experience kami ng iba’t ibang klase ng diskriminasyon. Either asymptomatic or with symptoms or severe or mild 100k is not even enough to compensate us and yet pinagdadamot pa ng government.

And imagine 79 lang out 2700+ na nagkasakit ang makaka kuha ng 100k. 2700+ na health care worker na lumaban against COVID-19 at nagkasakit at na-discrminate at possible na nailagay sa peligro ang buhay ng kani kanilang pamilya. Only 79 lang ang makakakuha depende pa if they can prove na may severe or critical pneumonia sila.

Ang tanging hiling ko lang sa ating MAHAL NA PANGULO ay mabigyan niya ng pansin lahat ng health care worker na nagbubuwis ng buhay para sa laban against COVID-19.

Hiling ko sa ating pangulo na compensate lahat ng health care worker na nagkasakit due to COVID-19 while performing their duty at hindi na kailangang agaw-buhay ang estado bago mabigyan ng compensation. Kung ung mahihirap, tambay, at walang work ay nabigyan ng ayuda, PAANO NAMAN KAMING MGA HEALTH CARE WORKER NA HINDI SUMAHOD DAHIL NAGKASAKIT WHILE PERFORMING OUR DUTY AND WALANG AYUDA O COMPENSATION NA NAKUHA FROM THE GOVERNMENT??? Tinawag nyo pa kaming bagong bayani kung ni isang kusing wala man lang kaming makuhang tulong mula sa ating pamahalaan???

Sana mabigyan kami ng pansin…

 

===

Bumaba mula sa 79 tungong 42 tungong 19 ang sinabi ng DOH na mabibigyan ng kumpensasyon sa mga nagkasakit ng health worker, kung saan ang kabuuang bilang ay umabot na sa 2,787.

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here