Mula nang kami namasukan
sa malupit na mga dayuhan
lahat ng pahirap naranasan
subrang init sa mga pwesto
tiniis ng mga tao, mas mahalaga may trabaho
kapitalista’y nagbubulag-bulagan
sa baluktot na patakaran

Lumipas pa ang mga taon
lalong lumaki ang produksyon
tambak dito, tambak doon
walang oras sa pamilya
laging full time kami sa pabrika
at pagsapit ng umaga
mga paa’t kamay namamanhid na

Sumapit pa ang ilang taon
utang dito, utang doon
hanggang ngayon hindi makaahon
paano na ang pamilya
sa sahod lang umaasa

Nasaan na ang karapatan
sa tulad naming kababaihan
mga sahod namin binabawasan

Sumapit dalawang dekadang manggagawa
nagkaisa, nagdeklara na ng welga
para masupil at matuldukan ang pananamantala

 

Si Melanie Dela Cruz, 44, ay repacker sa Regent Foods Corporation (RFC) at 24 taon nang nagtatrabaho sa pabrika. Isa siyang repacker na sinasauhuran sa sistemang pakyawan. Ang dating nasa P4,000 linggo na sahod sa pakyawan ay kinaltas ang halos kalahati ng management ng RFC noong 2017 dahil umano sa naibang kwenta ng presyo ng mga produktong nire-repack. 

 

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here