Otsenta y tres (83) na po ako ngayon. Gusto ko lang ipagtapat na hindi po ako nakapag-aral. Grade 4 lang ako sa eskwelahan. 1946 nagsimula ako, pagkaraan ng apat na taon huminto na ko. Nagsimula na akong manigarilyo mula noon hanggang ngayon.

Hindi ako naglagi sa mga bahay sa bahay namin, palipat-lipat ako ng bahay sa mga kamaganak namin, nanonood ng sine etc.  yun na ang libangan ko, hanggang sa ako’y naging member ng banda nong dekada sisenta nakasabay lang sila Freddie Aguilar, Banyuhay etc.

Nasa Olongapo kami tumutugtog. 1968, napukaw ako ng Kabataang Makabayan na nakikipaglaban sila, nananawagang itigil ang pagpapadala ng mga sundalo sa Vietnam. Ito ay tungkol sa PHILCAG.

Ang Kabataang Makabayan noon bago sumampa sa rally, nagstreet-street muna sila sa mga kalsada naglilinis muna sila bago pumunta sa kanilang pupuntahan, nagtatanong sila kung sinong gustong sumama, sumama. Ngayon nung napukaw ako sa Maynila yun, nung magbalik akong Olongapo para muling tumugtog. Tumutugtog ako sa base ng Amerika, hindi ako kinakausap ng mga Amerikano dahil hindi ako marunong magenglish, may interpreter ako yung kasama namin sa banda ganun lang.

Ngayon di ko pinagsisihan yun, kung sakaling mang hindi ako nakapagaral sa eskwelahan at hindi ako marunong magenglis hindi ko pinagsisisihan. Sapagkat nung napukaw ako ng Kabataang Makabayan ipinagtapat ko yan. Sila ang nagturo sakin ganito ang pagsusulat ganito ang pagbabasa, basahin mo yan eto ang Manifesto basahin mo yan tinutulungan nila ko hindi ako nahiya andun kami sa ano, marami silang tinuro sakin tungkol sa ano ang demokrasya? Ginagamit ng gobyerno ang demokrasya. Pero kayo, ayaw nyo bang ipaglaban ang demokrasya? O sinasabi lang natin, ang demokrasyang tunay ang kagustuhan ng nakararami ang siyang mapagpasya, hindi ang kagustuhan ng iilan.

Ano ang gusto nating mangyari sa ating lipunan? Ipatupad ang tunay na reporma sa lupa, pairalin ang tunay na edukasyon. Marami pa tayong kahilingan, kahilingan ng nakararami pero nasusunod ba? Hindi, dun ko natutunan yan na merong totoong demokrasya, at ang pekeng demokrasya ang batas at patakarang ginagawa ng mga kongresista at senador ay naglilingkod sa interes ng gumagawa ng batas. Hindi sa interes ng nakararaming mamamayan.

Kabilang yan sa usapin ng demokrasya ang Kabataang Makabayan noon. Kasama ako, dyes y-otso anyos, dyes y-nueve ako bente siyete. Ang layo ko na sa kanila ang sabi ko sa kanila baka di na ko pwede wala na ko sa ano ng Kabataan sabi nila hindi, hindi sabing ganyan eto ang batang maliit anong tawag dyan? Bata lang, sabi nila sa akin ‘yang mga bata pa pagtuntong ng 13 teenager na yan sabing ganyan, pagdating ng 18 yun na yan, pagdating ng 39 yan yung pinakamataas na youth, kabataan pa yan.

Walang sawang pagpapaliwanag ang ginawa sakin ng Kabataang Makabayan para mamulat. Isinama ako sa mga rally, nasa Olongapo kami dadayo ng Maynila. Noong 1972, mula Pampanga papuntang Manila dumulog sa US Embassy. Maraming activity akong sinamahan at hindi sila nagsasawang magturo sa masa, wala pang mga ano yun gadget gadget, face-to-face ang pagtuturo nila sa masa. Kaya masaya ako sapagkat ang kasama ko ay mga totoong tao, sa Olongapo kase maraming tinatawag na plastic, Andun ang iba-ibang klase ng tao, dahil American Base yun marami iba-ibang klase ng tao. Ibang kamulatan, iba yung alam, 90% pro Amerikano, kasi sa Amerikano sila nabubuhay.

Ang inabot kong Presidente noon, ang tawag sa Olongapo noon yung tatay ni Dick Gordon na si James Gordon na isang Amerikano. American citizen lahat yun. Ang aral na nakuha ko sa mga aktibista ang pinanghahawakan sapagkat ang inyong naririnig ay totoo. Kapag pumasok sa utak nyo yan, hindi na yan kayang burahin yan kasinungalingan. Kapag ang katotohanan ay nanalaytay na sa inyong ulo at ginagawa mo araw-araw, hindi na maaalis yan sa inyong kaisipan at alaala habang nabubuhay.

Ngayon nang ibaba ang Martial Law, September 21, 1972 pero September 23, 1972 ipinatupad. September 21, 1972, may malaking rally pa sa Maynila pinakamalaking rally yun. Pagkatapos nu’n naguwian ang mga tao. Ang dami nang inaresto. Unang-una mga pulitiko, sunod niyan aktibista, mga lider. Ang dami nyan, sila Diokno huli na, sila Aquino, tas ang daming aktibistang hinuli. September 23 idineklara pero na pirmahan September 21.

Gulong gulo isip ng mga tao, yung mga nagmi-miniskirt huli, dadalhin sa presinto, kapag walang dumating na magulang dyan ka di ka makakaalis, kapag sinundo ka ng magulang, pagsasabihan ka wag magsusuot ng maiksi. Lalaki huli kapag mahaba ang buhok, kapag hindi sinundo ng magulang, dyan ka. Naglalamay ka sa patay, huli dahil sa curfew… Napakaraming bawal.

Napakaraming paghihirap sa mga karapatang pangtao ang umiiral noon. May curfew 12 to 4, yung mga nago-op (operation pinnta), kapag nahuli ng madaling araw, hindi na buhay… patay, lalagyan ng armas, NPA yan, kaya pagdating ng alas-kwatro alas-dose walang tao talaga. Pwede kang barilin lalo na walang tao. Ganun katindi.

At sa mga eskuwelahan obligadong kantahin yung bagong lipunan, kaya matutunan mong kantahin ang bagong lipunan bilang pagsalubong sa angkan ng mga Marcos etc.

1974 nang mahuli ako. Nahuli kaming apat, pagdating namin dun sa pinagdalhan sa amin, meron na ata kulang-kulang 30 na yung nahuli.

September 14, 1974. Iba’t-ibang torture ang naranasan namin. Pompyang dito, pompyang doon. Sorry po, gusto ko lang ipaalam sa inyo, nabingi ang kanang tainga ko kaka-torture. Nilagyan ng kuryente ang ari ko, kilikili. Namimilipit kami, kapag hindi kami umamin aanuhin kami ng baril,. Automatic 20, illegal possession of firearm. Dahil umamin kang may hawak na manifesto, 1700 ang kaso mo. Hindi mo alam, walang hearing. Hindi mo alam kung kelan ka lalabas. Hindi mo alam kung saan ka ikukulong. Ganyan katindi nung Martial Law.

Pag martial law tandaan natin ‘to, anong unang inaalis? Binaba ang Martial law anong unang inaalis, ang unang-unang iaalis ang senado, kongreso, justice tapos yung mga organisasyon yung mga ayaw nila aalis yun. Sila ang magtatakda at ang mga batas. Mabubura yan, batas militar ang mangingibabaw.

Hindi natakot ang progresibong mamamayan.

Nilista yung mga pangalan ng lider na, halimbawa si Sison, Propesor. Ibinaba ang Martial Law, ang dami-dami nila, naulit yan red tagging naman paulit-ulit na lang.

Sa hanay ng mga kabataan ngayon ah, ngayon ako magsasalita dahil isheshare ko na lang kung ano ang mga sinabi.

Totoo ba ang sinabi ni Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan? At kabilang ka ba sa sinasabi ni Rizal na pag-asa ng bayan? Kung oo ang sagot mo, ipagmalaki mo sa iyong pamilya, sa iyong magulang, kapatid, kaiskwela, katrabaho, kapitbahay na ikaw ay handang maglingkod sa bayan para tanggapin ang hamon ni Rizal na pag-asa ng bayan. Ngayon kung hindi ang sagot nyo hindi ako pag-asa ng bayan ipagsigawan mo na mali ang sinabi ni Dr. Jose Rizal, isa yan sa mga topic na binabanggit nung araw kaya mga kabataan ay naniniwala sa sinabi ni Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Sapagkat noong Agosto 26, sumiklab ang himagsikan lumaban ang mga katipunero sa mga kastila puro kabataan, si Emilio Jacinto dyes y sais anyos lang pinakamatanda sa kanila bente-siyete anyos puro kabataan yan ang lumaban sa kastila. Pwede ba yung sanggol, pwede ba yung trese anyos, pwede ba yung senior citizen o kayo talaga ang pag-asa ng bayan?

Tandaan natin kabataan ang nasa gitna, bata, kabataan, matanda, ito yung nasa gitna ang pag-asa ng bayan. Sana tanggapin nyo yan.

Ako ay pangkaraniwan, manunulat na lang ng script, nagdi-direct, gumagawa ng awit. yun na lang ang naging trabaho ko. Hindi ko ikinahihiya na Grade 4 lang ang inabot ko at nagpapasalamat ako sa mga kabataang mulat. Ipagpapatuloy natin ang pagmumulat, pag oorganisa, at pagpapakilos para hindi makahakbang nang dalawang beses ang pamilya Marcos.

Si Bernardo “Ka Joe” Villalon ay isang batikang direktor, artista, at mentor na bahagi ng Kapisanan ng mga Mandudula sa Marikina. Kabilang din si Ka Joe na kumilos at namulat sa kalagayang panlipunan nang maorganisa sa Kabataang Makabayan taong 1970.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here