Nagkasa ng kilos-protesta ang mga magsasaka mula sa AMIHAN at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) kasama ang iba’t ibang sektor sa ika-5 taong anibersaryo ng pagsasabatas ng Rice Liberalization Law (RLL) noong ika-14 ng Pebrero.

Giit ng grupo ang pagbabasura sa RRL o promosyon ng imported na bigas at panawagan upang itaas ang sahod ng mga kawani ng gobyerno at manggagawang pangkalusugan.

Gayundin, tinutulan nila ang isinusulong na Charter Change (ChaCha) ng rehimeng Marcos na naglalayong buksan ang ekonomiya ng bansa sa 100% foreign ownership. Anila, magdudulot lamang ito nang pagbagsak ng kabuhayan, pagpapalayas sa sakahan, at lalong paglubog sa kahirapan at kagutuman ng magsasakang Pilipino.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here