Nagsagawa ng dalawang araw na pambansang tigil-pasada ang mga tsuper at opereytor sa pangunguna ng PISTON at MANIBELA kasama ang iba’t ibang sektor at taga-suporta noong Abril 15 at 16 upang ipanawagan ang pagbabasura sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Mula sa University Avenue sa UP Diliman ay nag-caravan papuntang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) office sa East Avenue ang mga grupo upang magsagawa ng noise barrage. Tutulak na sanang Mendiola para magkampuhan ngunit hinarang ng mga kapulisan ang caravan ng mga tsuper sa Welcome Rotonda. Sa kabila ng nito, matagumpay na nailunsad ang dalawang araw na pambansang tigil pasada.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here