Ika-7 taon ng QCinema International Film Festival

Muling inilunsad ang QCinema International Film Festival sa ikapitong taon. Magtatagal ang film fest mula Oktubre 13-22, 2019 sa mga piling sinehan sa Lungsod Quezon.

Pangbukas na pelikula ng film fest ang Untrue ni Sigrid Bernardo, direktor ng sumikat na indie na pelikulang Kita kita. Magsasara naman ang film fest sa pelikulang Wet Season ni Anthony Chen, direktor ng Iloilo nagtampok sa kwento ng domestic helper na Pilipino sa Singapore.

Mula sa website ng QCInema International Film Festival

Kasama sa mga sinehanag pagdarausan ng nasabing film festival ang mga sinehan sa Trinoma Mall sa North Avenue/EDSA, Gateway Mall sa Cubao, Cinema ’76 sa Anonas, Cinema Centenario sa Maginhawa St., Teachers’ Village at Cine Adarna sa UP Diliman.

Mula sa website ng QCInema International Film Festival

Nasa P 200 ang presyo ng tiket sa mga sinehan mall, habang P150 sa iba pang sinehan. Mababa ito sa kasalukuyang presyo ng tiket sa sinehan na aabot na sa P300 pataas.

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here