[ultimate_spacer height=”35″]

Sundalo ang erpat ko pati na rin ang mga tito. May ilang tito rin akong pulis. Ang lolo ko naman Veteran ng Filipino Japanese war. Maaga sa akin pinakilala ang disiplina. Naging officer ako ng CAT hinandle ko yung mga ka-same year ko na hindi nag-run for officer. Ang hirap kasi makukulit dahil parehas lang ng batch year. Mabuti kapag nandiyan si Commandant nasunod naman sila, naawa ata sa ‘kin.

Pinag-seaman ako ni papa kumuha ako ng Marine Transpo sa PMMS Las Piñas puro kami barako. Dahil Marine Transpo ang kurso ko required ang ROTC at kahit wala namang ROTC e Military ang pagpapalakad sa Campus. Ang buhok dapat maikli (white side wall ang gupit ko palagi), plantsado ang uniporme, naka-brush ang sapatos, ang mga burloloy na nakasabit sa uniporme dapat nakinang. Dapat naka-tuck in para hindi mukhang lousy. Paktay ka sa Instructor mo o sa mga seniors kapag pa-lousy lousy ka bibigyan ka ng isa sa dibdib o sa tiyan.

Ang ROTC namin isang taon sa may Fort Bonifacio mismo. Palagi kaming nakabilad sa arawan. Nasa special platoon ako dahil gusto ko mag-opisyal, gusto ko kasi maging proud si Papa sa ‘kin kasi nga sundalo. At kung ‘di man ako makasakay ng barko pwede ako mag opisyal sa Navy o sa Marines.

Minahal ko ba ang bayan pagkatapos? Tumaas ba ang aking Nasyonalismo? Hindi ko minahal ang bayan dahil sa pagbibilad sa arawan, paghawak ng rifle (magkalas at magbalik), mag-martsa nang sabay-sabay, at sumigaw ng SIR YES SIR!!!

Minahal ko ang bayan dahil sa pagbabasa ko ng libro. Ang kalye at ang libro ang nagturo sa ‘kin maging Filipino.

NO TO MANDATORY ROTC!

[ultimate_spacer height=”15″]
[ultimate_spacer height=”15″]

Si Al Joseph Lumen ay isang indie writer. Ang libro nyang Queue ay may paksang tumatalakay sa mga danas ng BPO workers.

[ultimate_spacer]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here