Sa unang bahagi ng 2016, muling naging matunog ang pangalan ng pamilyang Marcos nang tumakbo sa pagkabise-presidente si Bongbong, ang anak ng diktador Ferdinand Marcos, Sr., ang matandang Makoy. Kali-kaliwang patalastas ng pag-eendorso ang naglipana na nagsusumikap pabanguhin ang pangalan ng mga Marcos (halimbawa, “hindi ikaw ang nakaraan mo”) at pinakamalaganap na pangangampanya sa lansangan, media at social media na mabibili ng pera.
‘Di pa natapos ang taon ay umeksena na naman ang pamilya Marcos at muling naging laman ng bawat balita sa telebisyon, radyo at maging sa dyaryo nang panakaw na inilibing ang kanilang padre de pamilyang sa Libingan ng mga Bayani (LNMB). Kasunod ito ng ilang panahong pagbabalita ng pagtutulak ng pamilyang Marcos na malibing ang kanilang ama sa LNMB dahil umano sa kahilingan nito, taliwas sa “deathbed wish” ni Marcos na nais malibing kasama ng ina at ng kasunduang pinasok ng pamilya sa administrasyon ni Fidel Ramos na sa Ilocos mananatili.
Sa kabila ng maraming ligal na basehan upang hindi mahimlay si Marcos sa LNMB ay binigo ng Korte Suprema ang publiko, Nobyembre 8, sa botong 9-5 pabor sa dating diktador. May 15 araw pa sana upang mag-file ng Motion for Reconsideration (MR) ang mga petitioners, ngunit panakaw na inilibing ng pamilyang Marcos ang kanilang patnyarka.
Sampung araw pa lamang matapos ang desisyon ay nailibing na nga si Macoy sa LNMB habang nasa Peru si Pangulong Rodrigo Duterte para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Meet, na wala raw umanong alam sa paglilibing kay Makoy.
“In all honesty, I’m telling you: wala akong alam. Nagtanong lang sila when would be the appropriate time for me. Sabi ko, ‘Bahala kayo.’ And wala ako, wala, wala,” ani Duterte sa isang press conference habang nasa Peru hinggil sa naganap na paglilibing.
Bago mangyari ang minsan pang panloloko ng pamilya ay nagkaroon na ng kabi-kabilang pagtutol mula sa iba’t ibang sektor kung nararapat bang si Makoy ay mahimlay sa LNMB. Bukod sa mga biktima ng Martial Law at kanilang pamilya, malaking bilang din ng mga kabataan ang nagpahayag ng kanilang pagtutol.
“Naging malakas ang pagtugon ng kabataan kahit hindi natin naabutan ang Martial Law dahil nagpapatuloy ang sistemang namamayani noong Martial Law. Nagpapatuloy ang kahirapan, ang kawalan ng trabaho, mataas na presyo ng bilihin, mababang sahod, pandarahas sa magsasaka at iba pa. Napakahalaga ng bahagi ng mga kabataan sa mga pagkilos dahil tayo ang mas may kakayanan, lakas at rekurso upang makapagmulat, makapag-organisa at makpagpakilos,” ani Bryle Leano, Univesity Student Council Chair ng University of the Philippines Diliman.
Ang mga kabataan na nabansagang mga “millennial” ay lumabas sa mga kahon ng social media at dinala sa kalsada ang kanilang mga panawagan.
Hindi totoong walang pakialam ang kabataan. In fact, witty at funny sila sa kanilang pinaglalaban.
1. Thesis, hindi history!
Kahit maaaring may mga school requirement pa, nakiisa pa rin sila sa mga pagkilos. Pero, mukhang hindi pa rin nila nakalimutan ang mga requirement nila.
2. Superman is not impressed.
Si Superman ay isa sa mga pinakasikat na superhero at nakilala na rin bilang “Man of Steel.” Pero kay Superman ay hindi rin nagpahuli si Marcos.
3. Environmental friendly din.
Nagkaroon ng isang mock funeral para kay Marcos sa Inayawan landfill sa Cebu ang higit 500 katao upang ikundena ang noo’y desisyon pa lamang ng Korte Suprema na ilibing si Marcos sa LNMB.
4. Voltes V!
Maaalalang ipinagbawal ang pagpapalabas ng Voltes V! sa Pilipinas sa panahon ng Batas Militar. Sinasabi ng mga aktibista sa panahong iyon na ipinagbawal ito para hindi makaimpluwensiya sa mamamayan na magsanib at lumaban sa tiraniya.
5. #Well-rounded
Sabi nga sa kanta ni Daniel Padilla, “Nasa Iyo Na Ang Lahat.” Na kay Marcos na nga ang lahat, mula sa pagiging sinungaling tungkol sa kanyang mga medalya mula sa U.S., pagnanakaw sa kaban ng bayan, paglabag sa karapatang pantao kasama na ang pagpatay sa maraming aktibista at kritiko at hanggang sa pagiging diktador.
6. Apologies nga!
Hindi pa man lang umaamin o humihingi ng paumanhin ang pamilya Marcos sa mga paglabag at kalabisan ng kanilang panunungkulan at Batas Militar.
7. “DuterTuta”
“That’s my campaign promise: No corruption, ilibing ko si Marcos.” Sa lahat ng mga pangako ni Pangulong Duterte, tila ang paglilibing pa lang yata kay Marcos sa LNMB ang tiyak at buong-buong natupad.
8. Bayani vs. hindi bayani
Sa pangalan pa lang ay bayani na itong sa Bayani Agbayani. Hindi lang isang beses, kundi dalawa pa.
9. Bilyong-bilyong nanakaw, marami pang hindi nababawi
Ang linyang ito na napabalitang sinabi ng isang sikat na artista dati na tila nanghahamak sa kausap ay nagamit para batikusin ang nananatiling yaman at impluwensiya ng mga Marcos.
10. Horror Story!
Astang “monster” ang dating diktador sa dami ng tala ng mga paglabag sa karapatang-pantao nang panahon ng Martial Law na ngayon ay nasa LNMB na.