Matapos makatanggap ng malaking bilang ng manonood sa kauna-unahang big-budget sci-fi adventure film na pinagbibidahan ni Song Joong-ki bilang Tae Ho kasama si  Captain Jang (Kim Tae-ri), Mr Park (Jin Seon-kyu) at isang android na si Bubs (boses ni Yoo Hae-jin), hindi kataka taka na ito ay isa sa blockbuster films sa Korea maging sa ibang bansa.

Space Sweepers

Sa kabila ng pagsusumikap na mabigyan ang manonood ng isang “ high cinematic effect, ang naturang pelikula ay tumagal ng 10 taon bago matapos. Dito ipinakita ng direktor na si Jo Sung Hee na maglahok ng mga iba’t ibang elemento sa bawat eksena ng pelikula tulad ng spaceship, robot sidekick, etc. Katunayan pa nga ay sinikap ng pelikula na makisabayan sa mga ipinapalabas sa Hollywood sa kabila ng pandemya na nararanasan ng buong mundo.

Inilalarawan ng pelikula ang kalagayan sa taong 2092 kung saan ipinakita ang kawalan ng pagpapahalaga sa kalikasan at pangagalaga sa iba’t ibang yaman ng mundo. Tanging ‘elite people’ and taguri sa mga makaka-survive sa panibagong mundo na isa ring tampok na paglalarawan sa pelikula.

Maipapalagay na kalakhan din ng mga eksena ay iikot sa paghahanap ni Tae Ho sa kanyang anak na nawala dahil sa isang trahedya. Dito ay mangangailangan siya ng malaking perasa paghahanap sa kanyang nawawalang anak. Kung kaya’t sinikap niyang magtrabaho sa iba’t ibang paraan para makapag-ipon ng malaking pera. Habang nag-aayos ng kanilang spaceship ay natagpuan nila ang batang si Dorothy na may kapangyarihang makapag-produce ng mga sariwang hangin, puno, at bagong buhay sa mundo.

Dahil sa kagustuhan na magkaron ng malaking pera ,sinikap nila Tae Ho na hanapin kung saan nagmula si Dorothy at doon nila natagpuan na maari nilang ipagpalit si Dorothy sa malaking halaga dahil sa kanyang kapangyarihan. Alam naman na natin ang pangunahing motibasyon sa pelikula, na kapag mahirap ka ay ipinagkakait ang hustisya sa mga taong nawawala at namamatay.

Kung tutuusin nga naman, walang pinagkaiba ang buhay ni Tae Ho sa bawat Pilipino. Mahirap maging mahirap, sa bawat pagtaas ng presyo sa bilihin at kadalasan mas mataas pa ang presyo ng isang kilo ng baboy sa isang sweldo ng manggagawa ng University hotel kada 15 days. Sa paghahanap ng hustisya naman ay wala ring pinagkaiba sa usapin ng inhustisya, tulad ng mga bilanggong pulitikal na patuloy na ikinukulong at dinadakip lalo na kapag isa ka sa mga kritikal at lumalaban para sa karapatan ng mahihirap at iba’t ibang sektor.

Kahit isang fiction ang Space Sweepers, ipinakita nito ang kahalagahan ng pagkilos upang kamtin ang hustisya sa mundo mula rin mismo sa sama-samang paglaban.

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here