Protest centers, walang pasok, libreng sakay sa Metro Manila sa Setyembre 30 kasabay ng transport strike

Inanunsyo ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ang mga sentro ng kanilang protesta sa isasagawang pambansang transport strike sa Lunes.

Magkakaroon ng tipunan at protesta sa mga sumusunod na lugar:

  • Welcome Rotonda
  • Philcoa, Quezon City
  • Goldilock’s Novaliches
  • Aurora Boulevard, Cubao, Quezon City
  • Monumento, Caloocan
  • Marikina Clock Tower, Marikina
  • Vista Mall, Taguig
  • Cayetano Avenue, Taguig
  • Alabang Terminal, Muntinlupa
  • Zapote Plaza, Muntinlupa

Isasagawa ang transport strike bilang pagtutol sa Public Utility Vehicle (PUV) modernization program ng gobyerno na sinasabi ng mga tsuper at operator na papatay sa kanilang kabuhayan at hindi pa rin sagot sa kakulangan ng transportasyon sa bansa.

Bilang paghahanda sa isasagawang pambansang transport strike ng mga tsuper at operator ng jeepney bukas, Setyembre 30, nag-anunsyo na ng kanselasyon ng klase ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

Ang mga lokal na pamahalaan na nagsuspinde ng pasok sa paaralan ay ang mga sumusunod:

 Lungsod  Walang pasok  Alerto/abiso/updates online sa
Maynila kolehiyo lamang (pampubliko at pribado), may pasok mula preschool hanggang Senior High School (SHS) #AlertoManilenyo
Quezon City preschool hanggang SHS (sa pampubliko lamang; para sa selebrasyon ng World Teachers’ Day); #JoyParaSaBayan
Caloocan lahat ng antas (pampubliko at pribado)
Malabon lahat ng antas (pampubliko at pribado) @len_oreta
Valenzuela lahat ng antas (pampubliko at pribado) @valenzuelacity sa Twitter
Marikina lahat ng antas (pampubliko at pribado) #AbisoMarikenyo
San Juan lahat ng antas (pampubliko at pribado) @franciszamora30 sa Twitter
Pasig lahat ng antas (pampubliko at pribado); walang number coding as Pasig ngayong araw; @VicoSotto
Pasay lahat ng antas (pampubliko at pribado) @PasayPIO
Parañaque lahat ng antas (pampubliko at pribado)
Taguig lahat ng antas (pampubliko at pribado)
Pateros lahat ng antas (pampubliko at pribado)
Las Piñas lahat ng antas (pampubliko at pribado)
Muntinlupa lahat ng antas (pampubliko at pribado)

 

Nag-abiso naman ang lungsod ng Makati na may pasok sa Setyembre 30, habang hinahayaan nilang magdesisyon ang mga pribadong paaralan kung magsususpinde ng klase. Gayundin ang ginawang anunsyo ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong.

Wala pang nakuhang abiso mula sa lungsod ng Navotas, kung kaya’t maaaring may pasok ngayon sa siyudad.

 

Libreng sakay

Abiso naman ng Department of Transportation (DOTr), kasado na ang bus augmentation plan ng gobyerno bilang ayuda sa publiko sa gitna ng transportation strike na isasagawa ng mga grupo ng PISTON at Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO).

Magde-deploy ng mga karagdagang bus unit ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), katuwang ang Inter-Agency Council for Traffic (i-ACT), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), PNP Highway Patrol Group (HPG) at mga Local Government Unit (LGU), upang tiyaking tuluy-tuloy ang pagbiyahe ng mga commuter.

Maglalaan ang gobyerno ng mga karagdagang public utility bus sa mga sumusunod na ruta:

Maynila

  • Taft via J.P. Rizal to Guadalupe
  • Taft via Pedro Gil to Sta. Ana
  • Quezon Avenue via España Quezon Blvd to Quiapo
  • RMB via V. Mapa to Plaza Avelino

 Quezon City

  • Technohub via Commonwealth LITEX Fairview
  • PHILCOA via EDSA to Monumento
  • Commonwealth via EDSA to Cubao
  • Novaliches via Gen. Luis to Dela Rosa
  • Robinson’s Fairview via Quirino to Balintawak

 CAMANAVA

  • LETRE Malabon via Samson Rd. to Monumento, Caloocan
  • Valenzuela via McArthur Highway/Rizal Avenue Avenida to Manila
  • 5th Ave. via Rizal Avenue Avenida to Manila
  • Monumento via McArthur Highway to Malanday Valenzuela
  • Monumento via Samson Road to Navotas
  • C3 Dagat-Dagatan via C3 Road to East Bound(going to 5th Avenue)
  • 5th Avenue via C3 Road to South/North Bound
  • Dela Rosa via Mc Arthur Malinta

Makati

  • Guadalupe via Kalayaan C5 to C5 Taguig
  • Guadalupe via EDSA Cubao & Monumento
  • Guadalupe via JP Rizal Extension to Pasig
  • Guadalupe via Buendia Gil Puyat to EDSA Taft

Marikina

  • Marikina via Marcos Highway to Angono, Rizal
  • Marikina via Aurora Blvd. to Cubao
  • Marikina via Manghan to Pasig

Iba pang ruta

  • Baclaran via Dr. A. Santos to Sucat
  • EDSA via Taft Avenue to Manila & Quezon City
  • EDSA Heritage via Osmeña Highway to FTI & Alabang
  • Parañaque via Quirino, Don Galo Las Piñas, Zapote
  • HK Staging Parañaque via Quirino Don Galo Las Piñas, Zapote
  • Santolan via EDSA to Monumento
  • Santolan via EDSA to Makati
  • Santolan via EDSA to EDSA Taft

Muling nagbabala ang LTFRB sa mga operator at tsuper ng mga pampublikong sasakyan na ang paglahok sa transport strike ay direktang paglabag sa LTFRB Memorandum Circular No. 2011-004.

Nakaantabay ang mga operatiba ng LTFRB, PNP-HPG, at i-ACT upang itala ang mga lalabag sa naturang memo.

Inanunsyo ng LTFRB noong Setyembre 26, ilang araw bago ang strike sa lunes, na kinansela nito ang 20 Certificates of Public Convenience (CPC) ng mga PUV operator at tsuper na napatunayang lumahok sa transport strike na pinangunahan ng PISTON noong 2017.

 

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here