Lumahok sa isang zumba na may temang “Zumba Kontra Cha-Cha” ang mga kababaihan kabilang ang hanay ng mga kabataan at ibang progresibong grupo upang igiit ang kanilang mariing pagtutol sa inilalayong Charter Change kasama na rin ang Anti-Terrorism Law. Ang aktibidad ay isinagawa noong ika-27 ng Enero sa Freedom Park sa lungsod ng Marikina.

Ayon sa mga grupo, bukod sa pandemya ay biktima rin sila ng maraming nagdaaang mga bagyo kung saan ay sa parehong kaganapan ay hindi nila naramdaman ang presensya ng ating Pangulo.

“Nakagagalit dahil sa kabila ng ating paghihirap at sa kabila ng ating pagkalam ng tiyan, ang ginagawa ng ating pangulo ay inilulunsad ang Anti-terrorism Law kung saan lahat ng mga kritiko ng pamahalaan ay nais patahimikin, sinong matutuwa na ang pangulo natin sa kabila ng lahat ay nais ipatupad ang Charter Change,” saad ng isang residente ng Marikina na lumahok sa Zumba.

“Hindi pa nakakaalwan ang mga kababayan nating Marikenyo ay mayroong ulit na mga nagbabadyang problema, paano na ang mga mahihirap?” dagdag pa ng isang residente.

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here