Nanawagan ang PISTON ng kalampagan para sa pagpapalaya sa anim na kasamahang nakadetine mula pa noong Hunyo 2 na hinuli dahil umano sa paglabag sa social distancing matapos manawagan ng #BalikPasada. Iginigiit ng grupo na dapat magbukas ang korte sa Lunes, imbis na sa Martes pa, para makalaya na ang anim.

Maramimg kumundena sa pagkulong sa mga ito para sa salang hindi naman nakastigo man lang ang National Capital Region Police Office Chief na si Major General Debold Sinas matapos itong magdaos ng birthday party sa gitna ng lockdown at pagbabawal sa mass gathering. Marami ring nagpakita ng suporta sa makataong kahingian ng mga drayber na magkaroong ng hanapbuhay at nag-abot ng tulong.

Ilan sa mga suporta sa panawagan ng mga drayber ay ang mga malikhang panawagan sa pagpapalaya sa anim na hinuli sa IG stories at Facebook My Day. Kinulumpon ng PISTON ang mga likhang ito.

 

 

Naantala ang pagpapalaya sa mga drayber na anim na gabi nang nagpapalipas sa detensyon bagaman hindi pa alam ang kaso at piyansa na kailangan para makalaya. Ang anim na hinuli ay sina Ruben Baylon, Deputy Secretary General ng Piston, at sina Severino Ramos, Arsenio Ymas, ang 72 anyos na si Elmer Cordero, Wilson Ramilla, at Ramon Paloma.

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here