Matapos ang ginawang hakbang ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na epektibong ipawalang bisa ang UP-DND Accord noong ika-15 ng Enero, gayon din ang layon ni Duterte Youth Partylist representative Ducielle Cardema halaw sa isinusog na ‘unilateral termination’ para sa Prudente-Ramos Accord sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.

“Itong UP-DND Accord at PUP-DND Accord ay klaro na special treatment na inabuso na, sa tagal ng panahon,” saad ni Cardema.

Dagdag pa youth representative na alyado sa presidente, “special treatment” umano ang mga kasunduang ito at idinahilan pang “peaceful naman” sa iba’t ibang state universities and colleges (SUCs) nang walang accord.

Ginamit pa ni Cardema ang kanyang posisyon nang sabihing bilang Vice Chairperson ng House Committee ng National Defense at Security ay tinatawag niya ang pansin ng DND para gawing ‘unilateral abrogation’ din ang sa PUP-DND Accord.

“Kung sa 400 plus campuses ng iba’t ibang SUCs ng bansa wala namang ganyang accord pero peaceful naman, tama lamang tanggalin na ang special treatment na ‘yan na naaabuso rin naman,” ani Cardema.

Ngayon pa lamang ay dumadagundong na ang boses ng iba’t ibang sektor hindi lamang sa social media kundi sa isinagawa at isasagawa pang mga malawakang kilos-protesta. Sa katunayan, kinaumagahan matapos ang “social media rally” na ikinasa para ipahayag ang pagtutol sa hakbang ni Lorenzana ay agad namang sinalubong ito ng kilos-protesta mismo sa Quezon Hall sa Unibersidad ng Pilipinas – Diliman sa Quezon City.

Hindi rin iba ang dagundong na ito nang mag-trend ang #DefendPUP sa twitter at ang pagkakaroon ng pagkilos sa hanay ng mga progresibong estudyante kasama ang iba’t ibang sektor sa harap ng PUP upang kondenahin ang tangkang pagbasura sa Prudente-Ramos o ang PUP-DND Accord.

Pinabulaanan ng PUP Student Regent at ng Central Student Council President ang naging pahayag ni Cardema. 

“Ang tunay na special treatment ay ang bukod tanging partyist na pinahihintulutan ng COMELEC na maupo sa kongreso kahit na hindi rehistrado at lampas sa itinakdang edad ng batas. Hindi ang 30-year agreement na bunga ng oakikibajka ng mga naunang Iskolar ng Bayan. Hindi ang kabataang nagnanais lamang ng pagbabago sa lipunan na pinanday ng Sintang Paaralan.”

Ayon naman sa pahayag ng League of Filipino Students – PUP, ang mga atake ng estado sa mga akademikong insttitusyon sa pangunguna ni Pangulong Duterte kasama ang mga kasapakat nito ay “malinaw na pagsasadula ng kasaysayang orkestrado ng mga bumagsak nang diktador at mapagsamantalang liderato”

“Si Duterte, ang Duterte Youth, at ang AFP-PNP ay mga duwag na singbilis ng kidlat kung umatras sa panawagan ng mga Iskolar ng Bayan at ng komunidad ng mga manggagawa, kaguruan, at ng mga mamamayang isinusulong ang nararapat para sa bansa at sa sambayanan,” dagdag ng LFS-PUP.

Saad naman ng punong patnugot ng The Catalyst, opisyal na pahayagang pangmag-aaral ng PUP na si Maricho Tagailo ang tangkang pagkansela ng PUP-DND accord ay lantarang “sagka sa academic freedom”

“Ironic na kinakatawan daw ng Partylist na ito ang mga kabataan gayong inaantagonisa nila ang lehitimong panawagan ng mga estudyante [tulad ng pagpapanatili ng Accord],” ani Tagailo

 Ang PUP-DND Accord ay nilagdaan noong 1990 sa presensya nina noong Defense secretary Fidel Ramos at PUP President Nemesio Prudente. Naglalayon ang kasunduang ito na pagbawalan ang panghihimasok at operasyon ng iba’t ibang pwersa ng estado sa PUP at sa iba pa nitong sangay.

Samantala, nagbanta rin Lorenzana na kanyang ikakansela ang PUP-DND accord kahit hindi pa man siya nakatatanggap ng kopya nito at ng 1981 na liham sa pagitan ng noong lider-estudyante na si Sonia Soto at ang ex-Defense Minister Juan Ponce Enrile.

“If you can present a copy, I will abrogate it also,” ani Lorenzana.

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here