Isang Tupa sa Korte Suprema

tula
Ako’y isang maamong tupa, naglalakad sa korte suprema. Ang sambit ay tutulong sa naaapi. At ipinangako sa sarili, na sa pera’y di pasisilaw, pagagapi. Habang ako’y naglalakad, bigla nalang nagulat, sa misteryosong alulong, parang lobong bumubulong. Sa paglalakad ay natigil, mabilis na pagkabog ng puso’y di mapigil, pawis sa noo’y butil-butil. Isang lobo ang lumitaw, atensyon ko’y napukaw. At lalo akong kinabahan. Sya’y dahan-dahang lumapit, sa pwesto ko’y naipit, pakiramdam ko’y namimilipit, isang di maipaliwanag na sakit. At bigla-bigla, ako’y sinunggaban at kinagat. Mata nya’y nanlilisik at ako’y napadapa. Sa pagkagat ay bumitaw, kanyang kinagat parang nalulusaw. Dumilim ang paningin, nagulat ako pagkagising. Dahil pagharap sa salamin, ako’y isang lobong itim.
Graphics ni Julia Delos Santos http://stckerqueen.tumblr.com/

 

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here