Hulyo 6 ng umaga bago ang pagdinig sa kongreso hinggil sa prangkisa ng ABS-CBN, nagkasa ng isang caravan ang mga empleyado ng ABS-CBN at mga suportang grupo mula sa Commision on Human rights na nagtapos sa Batasang Pambansa upang hikayatin ang mga kongresista na bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Nagkaroon ng maikling programa sa harapan Batasang Pambansa sa pangunguna ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP).

“Atin pong pinapakita kung gaano karubdob ang pagnanais ng mga mamamahayag ng mga manggagawa at ng sambayanang Pilipino na maibalik ang ABS-CBN bilang usapin ng press freedom, bilang usapin ng pagpapanatili ng hanapbuhay ng mga empleyado, bilang usapin ng hustisya,” pahayag ni Raymund Villanueva, secretary general ng NUJP

 

 

Nanawagan rin si Jon Villanueva, presidente ng ABS-CBN Rank and File Employees Union upang ibalik na sa ere ang ABS-CBN.

Ani Villanueva, “Kami po ay nananawagan sa mga mambabatas na ipasa na ang ABS-CBN franchise habang lumilipas ang mga araw na hindi nakakapag-ere ang ABS-CBN, ito po ay katumbas sana ng benepisyo na pwedeng idagdag o maibigay sa mga manggagawa ngunit dahil hindi po nakakapag-ere ang ABS-CBN po ay hindi rin kumikita.”

Inaasahang ano mang araw ngayong linggo maaaring magbotohan na ang mga mambabatas sa kongreso hinggil sa aplikasyon ng prangkisa ang ABS-CBN.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here