Gumawa ng mural ang sa University of the Philippines (UP) Manila College of Arts and Sciences ang UGATLahi Artist Collective at League of Filipino Students UP Manila. Ang ginawang mural ng grupo ay may tema o titulong “Diwa ng FQS, paalabin.” Natapos ang mural noong Sabado, Pebrero 29.
Ginugunita ngayong taon ang ika-50 taon ng First Quarter Storm o FQS, serye ng mga protesta ng kabataan laban sa korapsyon at pasismo ng administrasyon ni Ferdinand Marcos, Sr., na kalauna’y magdedeklara ng Batas Militar sa buong bansa sa pagdadahilan na kailangang sugpuin ang paglaganap ng komunismo sa bansa. Ngunit naging aral sa kasaysayan na lalo lang lumakas ang paglaban ng mamamayan sa gitna ng tumitinding pasismo ng gobyerno.
Ang kabuluhan ng paggunita sa FQS sa kasalukuyan anang mga artista ng bayan at kabataang aktibista gumawa ng mural ay may katulad na paghahari sa bansa sa kasalukuyan at ang nakaupong pangulo ay idolo pa si Marcos, at tila kumukuha ng padron sa dating diktador.



































