BAWIIN! Bayan at Wika Ipaglaban Natin, inilunsad ng Sining Bugkos

0
754

Opisyal na sinimulan ng kultural na grupong Sining Bugkos ang palihang “BAWIIN: Bayan at Wika Ipaglaban Natin” noong ika-27 Hunyo 2019 sa Balara High School sa syudad Quezon.

Naglunsad ng talakayan hinggil sa wika sa nasabing paaraalan.

Dahil sa kasalukuyang usapin sa pagiging opsyonal ng mga asignaturang wikang Filipino at Panitikan sa kolehiyo alinsunod sa utos ng Komisyon sa Mataas na Edukasyon, nilalayon ng Sining Bugkos na bigyang-diin ang kahalagahan ng wika sa paghubog sa kultura ng lipunan gamit ang mga talakayan, palihang pangpanitikan at likhang-awit.

“Malaking atake sa kultura ang pagtatanggal nila sa wika,” ani Marhiel Garrote ng Liga ng Kabataang Propagandista.

Aniya, ang kampanyang ‘Bawiin’ ay isang porma rin ng paninindigan para sa pagtataguyod ng sariling wika at kultura.

 

Talakayan hinggil sa wika. Larawan mula sa Sining Bugkos.

 

Para naman kay Emman Halabaso, “Nabibigyan natin ng pagkakataon ang mga estudyante ng high school magkaroon ng pagtingin sa panitikan at wika lalo na pag tumungtong sila kolehiyo. Maganda na naglulunsad ng mga palihan dahil sa napakababang pagpapahalaga sa wika. Na habang maaga pa, sila mismo magtaguyod ng adbokasiyang ito sa kinabukasan.”

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here