Nagtungo ang grupo ng mga tsuper ng jeepney na PISTON sa tanggapan ng Land Transport Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Quezon City upang manawagan ng 100% balik-pasada.
“Dagdag sa mga tagumpay ng kampanya ng mga drayber at opereytor para sa Balik-Pasada at laban sa Jeepney Phaseout,” anang tagapangulo ng PISTON na si Mody Floranda.
Sa kabila nito, dismayado ang grupo dahil libu-libong drayber pa rin ang mananatiling walang kabuhayan sa gitna ng krisis at pandemiya.
“Ni wala pa sa 20 porsyento ang gusto nilang ibalik sa pamamasada. Nangangako silang dadagdagan ang bubuksang mga ruta at ang pahihintulutang mga yunit sa susunod na mga linggo, ngunit wala naman silang depenidong petsang maibigay. Ilang araw, ilang linggo pa ba nilang hahayaang walang makain ang pamilya ng mga drayber ng jeep?” ani Floranda.
Kaya giit ng grupo sa LTFRB, kilalanin ang mga prangkisa ng mga drayber at opereytor ng jeep at balik-pasada para sa lahat ng yunit sa lahat ng ruta.
Sa tala ng grupo, mula mismo sa datos na inilabas noon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB, mayroong 579 na ruta kung saan pumapasada ang humigit-kumulang 74,000 na mga jeepney sa Metro Manila pa lamang. Nasa 150,000 ang bilang ng mga drayber at 50,000 naman na mga opereytor.
Lampas limang buwan nang walang kabuhayan ang karamihan sa mga jeepney driver. Ayon sa grupo sa pananaliksik na IBON, nasa P26,000 kada buwan ang nawawala sa mga drayber ng jeepney dahil sa pinatupad na tigil-pasada ng gobyerno, o aabot na sa P130,000.
Bago ibalik ang Metro Manila sa lockdown na modified enhanced community quarantine (MECQ) mula Agosto 4 hanggang 18, mayroon nang pinapayagang nasa higit 60 na ruta ng jeepney. Unang pinayagan ang nasa 49 na ruta sa NCR mula Hulyo, at nadagdagan pa ng nasa 17 ruta na maaaring pumasada sa 50% kapasidad lamang. Kalimitang mga maiikling ruta lamang ang pinayagang mamasada, habang ang mahahabang ruta ay sineserbisyuhan ng mga bus na ipinalit sa mga jeepney habang hindi pa ito pinayagang mamasada.
Higit isang buwan nang nasa general community quarantine ang NCR mula Hunyo 1 bago pinayagang makapasada ang mga dyip kaya’t naging kalbaryo para sa mga manggagawa na pinabalik na sa trabaho ang pagpasok. Maraming naglalakad lang na inaabot ng maraming oras para makapasok at makauwi. Dahil marami pa ring ruta ang hindi pinayagan makabalik, mayroong mga daan na walang byahe kaya’t kalbaryo pa rin sa manggagawa at mananakay ang pagpasok sa trabaho.
Bagaman may mga ruta nang pinayagang mag-balik pasada, marami namang hindi pa makapasada dahil wala nang pampaayos ng jeepney para makapaglagay ng mga plastic barrier at mapatupad ang iba pang hinihingi ng LTFRB. Ang iba naman ay hindi kakayanin ang boundary o gastos sa pamamasada habang 50% kapasidad lang ng jeepney ang pwedeng punuin at kaunti rin naman ang nakabalik ng trabaho habang lubhang marami naman ang nawalan ng trabaho.
Ang karagdagang 64 na ruta ng jeepney sa NCR at 4 na ruta ng UV Express ay papayagang makabalik-pasada ang 4,498 na yunit ng jeepney at 641 na UV Express sa Agosto 19 at 20 alinsunod sa Memorandum Circular (MC) 2020-035, 2020-036 at 2020-037 ng LTFRB.
Geplaatst door Land Transportation Franchising and Regulatory Board – LTFRB op Maandag 17 augustus 2020
Kapag nakabalik-pasada na ang mga dagdag na rutang ito, ang kabuuang bilang ng mga ruta at yunit ng transportasyon para sa publiko ay ang mga sumusunod:
- Public Utility Bus (PUB) – 31 ruta; 3,662 yunit
- Point-to-Point Bus – 33 ruta; 364 yunit
- Taxi – 20,493 yunit
- Transport Network Vehicles Services (TNVS) – 23,776 unit
- UV Express – 51 ruta; 1,621 yunit
- Modern Public Utility Jeepney (PUJ) – 45 ruta; 716 yunit
- Traditional Public Utility Jeepney (PUJ) – 126 ruta; 12,443 yunit
Ang mga dagdag ruta na magbabalik-pasada ay ang mga sumusunod:
Para sa mga UV Express:
- SM Bicutan – Ayala Center
- Almanza – Ayala Center via SLEX/Skyway
- Sucat – Quiapo
- Marikina Heights – Ayala
Para sa mga tradisyunal na jeepney:
T101 Bagong Silang – Novaliches via Susano
T121 Polo – Sangandaan via Tenejeros
T122 EDSA/North Ave. – Project 6
T123 Novaliches – Shelterville via Camarin Road
T124 Jordan Plains – Sapang Palay
T202 Commonwealth Market – Q. Plaza via Marikina
T222 Balara – Tumana
T223 Cubao (Arayat) – V. Luna via Ybardolaza
T224 Pasig – Ugong via Rodriguez
T225 Pateros – Market Market
T226 FTI – Kayamaan C
T227 AFP/PNP Housing – Guadalupe via Bayani Rd.
T228 Project 2&3 – TM Kalaw to Remedios Street via E. Rodriguez Avenue
T229 Angono – Pasig
T230 Bagong Nayon II – Marikina
T231 Binangonan – Pasig
T352 Del Monte – Quezon Ave. via Banawe
T353 San Miguel – SM Manila
T354 Frisco – Vito Cruz via Sta. Cruz, Mabini
Narito naman ang listahan ng mga karagdagang ruta ng PUJ na papayagan simula ika-20 ng Agosto 2020:
T125 Capitol Park Homes II – SM Fairview
T126 Amparo – Novaliches via Sanana
T127 Bigte, Norzagaray, Bulacan – Novaliches
T128 Novaliches – Palmera, San Jose del Monte
T129 Novaliches – Sapang Palay
T130 EDSA/North Ave – T. Sora via Mindanao Ave.
T131 Balintawak – Marcos Ave./T. Sora
T232 EDSA/Pioneer – Pateros via Pasig
T233 Antipolo – Marikina
T325 Guadalupe (ABC) – Brgy. Buting E. Rembo via Kalayaan
T355 Del Pan – Guadalupe (Ibabaw)
T356 Nagtahan Rotonda – Pandacan
T357 Guadalupe Market – L. Guinto via P. Gil
T358 EDSA/West Ave. – Panay Ave.
T359 Bangkusay – Divisoria
T360 Blumentritt – Delos Reyes/P. Campa via Dimasalang
T361 Del Monte – Kanlaon via Mayon
T362 San Andres Mkt – Sta. Ana via P. Faura/P. Gil
T363 San Miguel – Ikot
T364 Blumentritt – Retiro
T365 AFP/PNP Housing Guadalupe via MRT
T366 Divisoria – Don Bosco via Moriones
T367 Arroceros – Project 8 via Espana
T368 Guadalupe (ABC) Pateros via JP Rizal
T403 Baclaran – NAIA/Baltao
T404 Alabang – Signal Village via SSH
Maari na ring bumiyahe ang mga ruta ng traditional PUJs na naisaaad sa MC 2020-029A na inilabas noong 31 Hulyo 2020 sa oras na isailalim ang Metro Manila sa GCQ:
T115 Malabon – Monumento via Acacia
T116 Cielito- Novaliches via Zabarte
T117 Novaliches – Deparo via Susano
T118 SM Fairview – Lagro Subd. Loop
T119 Meycauayan, Bulacan – Bignay
T120 Pantranco – Project 8 via Roosevelt
T217 Forbes Park – Pasay Rd. via Ayala Commercial Center
T218 Pasig – Taguig via Maestrang Pinang, Tipas
T219 Marikina – Paenaan
T220 Katipunan – Marcos Ave/Tandang Sora
T347 Cabrera – Libertad
T348 Arroceros – Cubao via España
T349 Quiapo (Barbossa) – Santol, Sta. Mesa
T350 Dagat-dagatan – Delpan via Divisoria
T351 Quiapo – San Miguel via Palanca
Ipinatutupad naman ng LTFRB ang “no face mask, no face shield, no entry” sa mga pampublikong sasakyan mula Agosto 20, 2020.
NO FACE MASK, NO FACE SHIELD, NO ENTRY IPAPATUPAD SA MGA TANGGAPAN NG LTFRBIpinapaalam ng LTFRB na sa…
Geplaatst door Land Transportation Franchising and Regulatory Board – LTFRB op Dinsdag 18 augustus 2020





























اجاره میز کنفرانس چوبی