“Inisyal at limitadong tagumpay ng pangangalampag para sa Balik – Pasada at laban sa Jeepney phaseout” ganito ang reaksyon ng tagapangulo ng PISTON na si Mody Floranda sa mga guidelines na naisaad sa Memorandum Circular (MC) 2020-026 ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hinggil sa pagbabalik-pasada ng mga tradisyunal na jeepney sa limitadong mga ruta at bilang.

Sa memorandum, pinayagan ang 6,002 na yunit ng jeepney na pumasada sa 49 na ruta sa Metro Manila. Hindi na nila kakailanganin ng special permit dahil sila ay makakapasada sa kanilang orihinal na ruta gamit ang orihinal na prangkisa. Sa halip na special permit ay QR code ang gagamitin at dapat ipaskil ng mga tsuper sa kanilang mga jeepney.

Anang memo ng LTFRB, wala ring taas pasahe na ipapatupad. Ang kasalukuyang P9.50 kada apat na kilometro at P1.50 sa kada susunod na kilometro pa rin ang pasahe sa jeep.

Nakasaad din sa guidelines na kailangang rehistradong “road-worthy” ang jeepney at Personal Passenger Insurance Policy.

Geplaatst door Land Transportation Franchising and Regulatory Board – LTFRB op Woensdag 1 juli 2020

 

“Gayunpaman, lubhang napakaliit nito kumpara sa tunay na bilang ng mga jeepney sa Metro Manila. Mananatiling gutom ang maraming drayber at opereytor,” dagdag ni Floranda.

Sa tala ng grupo, mula mismo sa datos na inilabas noon ng LTFRB, mayroong 579 na ruta kung saan pumapasada ang humigit-kumulang 74,000 na mga jeepney sa Metro Manila pa lamang. Nasa 150,000 ang bilang ng mga drayber at 50,000 naman na mga opereytor.

Kung sa utos ng LTFRB na 6,002 jeepney at 49 na ruta na papayagang mag-balik pasada, at sa datos din ng ahensya na 74,000 jeepney at 579 na ruta, nasa 68,000 jeepney at 539 ruta pa rin ang hindi makakapagbabalik-pasada sa Metro Manila.

Subalit binago raw ito ng LTFRB at sinabing 5,000 na lamang umano ang tradisyunal na jeep sa Metro Manila. Hindi nagtutugma ang datos ng mismong ahensya.

“Kung limang-libo na lamang pala ang mga jeep, bakit anim na libo ang papayagang pumasada ngayong linggo?” tanong ni Floranda.

Kinakailangan ding sumunod ang mga drayber at operator sa mga panuntunang pangkaligtasan bago at sa gitna ng operasyon ng mga jeep, gaya ng mga sumusunod:

  • pag-check ng temperatura maaaring sa pamamagitan ng thermal scanning at paglalagay ng footbath
  • pagsusuot ng driver ng face mask at gloves
  • paggawa ng sistema ng koleksyon bago ang pagsakay sa jeepney gaya ng collection box at pagbibigay ng eksaktong bayad
  • paglalagay ng mga harang sa pagitan ng upuan para matiyak ang social distancing at pagitan na 1 metro
  • paglalagay ng marka sa espasyong maaaring upuan ng pashero
  • pag-operate sa 50% capacity, at
  • pamamahagi ng Passenger Contact Forms

Nakasaad sa Annex A ng “Guidelines for the Operations of Traditional Public Utility Jeepneys (PUJs) During the Period of General Community Quarantine (GCQ) in Metro Manila” sa pamamagitan ng MC 2020-026 na inilabas ng LTFRB sa kanilang Facebook account ang mga ruta na pinayagan nang magbalik.pasada. Ito ay ang mga sumusunod:

T102 Camarin – Novaliches
T103 Karuhatan – Ugong
T104 Malabon – Monumento via Letre
T105 Malabon (TP) – Navotas (TP)
T107 Monumento – Navotas via Letre
T205 Cubao – Proj. 4 via J.P. Rizal
T206 Cubao – San Juan via N. Domingo
T208 IBP Road – Lupang Pangako via Gravel Pit Road
T209 Marikina – Pasig
T210 Pantranco – Proj. 2 & 3 via Kamuning
T211 Proj. 2 & 3 – Q Mart
T212 Sucat-Highway – Bagumbayan
T213 Ayala – Pateros via JP Rizal
T215 Marikina – Pateros via Pasig
T301 A. Boni – A. Mabini via 10th Ave
T302 A. Bonifacio – D Tuazon/E. Rodriguez Ave.
T303 A. Rivera – Raon via Severino Reyes
T305 Ayala – Mantrade via Pasong Tamo
T306 Ayala – Washington
T309 Balic-Balic – Quiapo via Lepanto
T310 Balic-Balic – Bustillos via G. Tuazon
T311 Balic-Balic – Espana/M. Dela Fuente
T312 Balintawak – Frisco
T313 Balut – Blumentritt
T314 Blumentritt – North Harbor via Divisoria
T316 Boni – Kalentong JRC via Boni Avenue
T317 Dian – Libertad
T318 Divisoria – Gastambide via Morayta
T320 Divisoria – Pier North via Plaza Moriones
T321 Divisoria – Quiapo via Evangelista
T322 Evangelista – Libertad
T323 Divisoria – Velasquez
T324 Guadalupe Market – L. Guinto via Pasig Line
T326 L. Guinto – Sta. Ana
T327 Herbosa/Pritil – P. Guevarra via Tayuman
T328 Kalentong/JRC – P. Victorino via P. Cruz
T330 Divisoria – Sta. Cruz via San Nicolas
T331 Kayamanan C – PRC via Pasong Tamo
T332 L. Guinto – Zobel Roxas via Paco
T333 Lardizabal – Rizal Ave. via M. Dela Fuente
T334 Lealtad – Quiapo (Barbosa) via Lepanto
T335 Kalentong/JRC – Libertad (Mandaluyong) Nueve de Pebrero
T336 Kalentong/JRC – Namayan via Vergara
T338 North Harbor – Quiapo via Evangelista
T340 P. Faura – San Andres
T343 Quezon Ave. – Sta. Mesa Market via Araneta Avenue
T344 Crame – San Juan via Pinaglabanan
T401 Alabang – Sucat via M.L. Quezon
T402 Soldiers Hill (Phase IV) – Talon via Alvarez

Sa isinagawang online press briefing ng LTFRB noong Hulyo 2, sinabi nitong ipapataw ang mga multa sa kasalukuyang Joint Administrative Order 2014-01 sa mga iligal na magbibiyahe ay magmumulta ng P5,000. Kung lumabag sa physical distancing, ang magiging paglabag ay overloading na may multang P1,000. Sinabi rin ni LTFRB Chairman Martin Delgra na kinakailangang sumusunod sa Clean Air Act ang mga jeepney na magbabalik-pasada.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here