Sumisilip ang mga bakas ng halik
na naiwan sa kanyang katawan—
mga halik na mula sa labi’t puwet
ng inyong “mahabang baril-barilan”
Lantad na lantad ang mga marka’t paso,
sa kan’yang barong, na dati’y pilit
 pangiginigiit—niyayakap at tinatago
ng inyong camouflage na uniform
Ngayo’y unat na unat at magkapantay na ang
mga paa ng dati’y “pagkalambot na kadete,”
sabi ng inyong mga matitikas na komandante,
na ngayon ay naka pugay kamay, na.
Búkas, kasamang ililibing ang mga katotohanan—
ang mga alaalang kapag nanlaban ay may kalalagyan.
Sa kampo, paalala ng inyong Pinunong Panlarangan,
“lahat ng nakita’t narinig dito, ay dito rin iiwan.”
===
Si Andyleen Feje ay kumukuha ng Sertipiko sa Panitikan at Malikhaing Pagsulat sa Filipino. Naging fellow rin sya ng writing workshop sa PUP at Ateneo. Kasalukuyan syang bahagi ng Atsara Collective, Sisidlan Creatives, Silay MataPeople Theatre Org, at Bahaghari.
InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here