Ilan sa mga madalas natin napapanood sa telebisyon o nakikita sa mga billboard ay ang kilalang personalidad na si Kris Aquino. Lalo pang kumalat ang personahe ng tinaguriang “Queen of All Media” dahil sa kanyang mga nilalabas na opinyon sa iba’t ibang isyu sa bansa na dumudulo lang sa maraming ulit na pagtatanggol sa kanyang “Kuya Noy,” walang iba kundi ang Pangulong Noynoy Aquino. Kahit tila harmless o walang direktang pinatutungkulan ay timing naman ang mga post ni Kris sa mga iniindang isyu ng bayan. Kumalat din at pinulutan ang mga kumento ni Kris na batbat ng kamanhiran, lampas sa matwid, mapagparangya o mapanghamak—mga ipinupukol ding puna sa kanyang kapatid na pangulo. Peas of the same pod?

Depende sa kung anong mas kumbinyente, si Kris ay nagkukumento bilang kapatid ni Noynoy, Presidential Sister o entertainment industry personality. Ang kalituhan sa pangunahing papel sa buhay ni Kris marahil ang nagtutulak sa mga netizen na himay-himayin ang bawat salita ni Kris.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga kanyang kumento/pahayag na nagmula sa kanyang mga social media accounts at panayam sa telebisyon:

1.“Nahihiya lang akong mag pretend pa to be okay when I still have a long way to go… I owe you & I owe myself this HONESTY.”
image from https://pinoyobserver.files.wordpress.com

Tugon ito ni Kris sa mga bumabatikos sa mga kumento niya o pagtatanggol sa kapatid. Ang mga pambayan at pulitikal na usapin ay nagiging usaping personal o pampamilya sa mga post at kumento ni Kris Aquino. Kung kaya’t may mga pumupuna sa kanyang mga pagkukuwento tungkol kay PNoy o pagdepensa dito na akala mo bang hindi nakasalalay ang buhay, kabuhayan o dignidad ng milyun-milyong Pilipino sa performance ni PNoy o sa mga isyung sinasawsawan ni Kris. Sa isang iglap, nauwi nang muli sa personal values ang usapin: HONESTY.

2.”Mayor Duterte, hello, friends na tayo. Dahil hindi mo pinanalo si Noy nung 2010, sa 2016 dapat manalo ako”
from DavaoToday.com

Ayon kay Kris Aquino noong bumisita sa Davao, pabirong banggit niya kay Mayor Rodrigo Duterte ang salitang dapat manalo siya sa 2016 elections. Bali-balita noong tatakbo si Kris sa pagka-senador.

3.“Hindi ako pakitang tao…”

Picture4

Matapos ang engkwentro sa Mamasapano na ikinamatay ng 44 Special Action Force commandos, maraming mga netizen ang hindi nakagusto sa pagpo-post ni Kris ng isang picture ni Kris Aquino na dine-dedma ang isyu. Ilan sa mga komento ay pagiging insensitibo ni Kris.

4.Diwata ng Kagubatan

 



#GGSS

5.“I will never again abuse my body because I was a slave to my work. My goal now is to achieve a healthy work and life balance.”

I’m headed home but I need to first say THANK YOU to my sons & siblings (Pinky & Manolo, Viel & Dodo, and PNoy who went straight to the hospital from the airport after his Cebu trip) – I had a severe, vascular headache from 3 PM while taping @kristvofficial_ig, threw up 3X when I got home at 6:30 PM & when my blood pressure was taken it was 150/100. My sisters insisted I go to the ER because my symptoms were alarming. At the ER my BP was 200/110. Just a bit higher could have caused a stroke. Thank you Dr. Ramos & Dr. Martinez (my cardiologists) & Dr. Tiongson (my neurologist) for taking good care of me. I had my complete bloodworks done upon waking up & also my ECG. I solemnly promise to follow all their instructions, take my medication & I will never again abuse my body because I was a slave to my work. My goal now is to achieve a healthy work & life balance. Last night was a scary wake up call for me & my loved ones, but it also made me realize how much my siblings & sons love & care for me. It really put my priorities in proper perspective. I was told to have complete rest for the next few days & to try to be stress free. So I’ll be signing off while I recuperate. ???? ‘ P.S. PNoy said, “Kristina, yung sa Customs they’ll give a thorough explanation & a demonstration of the XRay machines to be used on Wednesday.” I hope that I remembered his message accurately & I pray for a peaceful resolution for all concerned. Bye for now IG Friends.

A photo posted by Kris Aquino (@withlovekrisaquino) on

 

Hiyang-hiya naman ang mga construction worker kay Kris.

6.“…I went to check on bathroom fixtures, tiles, and tried this bathtub. I really feel relaxed taking baths, but I want to be responsible about water consumption, so this half body bathtub felt like a happy compromise. ❤”
from @withlovekrisaquino

 

P 44,000 – bathtub

Maraming mga netizen ang nagtanong, nagtaka at bumatikos sa pagpaparangya ni Kris sa pagbili ng isang bathtub na nagkakahalagang P44,000, katumbas ng higit tatlong buwan na sahod ng mga manggagawang nakakatanggap ng minimum wage (higit na mas marami ang mas mababa ang sahod). Kung sa ganitong punto de bista titingin, tila kakatwa na ang pagbili ng mahal na “half-bathtub” ay para sa pagtitipid sa tubig.

7.“To all the OFWs & relatives/friends of our OFWs, I already forwarded your concerns w/c you very clearly stated on my thread in my previous post to those in a position to not only address them but hopefully study, clarify, and act on policies that have a direct impact on you, your sacrifices, and your love for family that motivates not just you, but all of us to work hard”
kris customs
from @withlovekrisaquino

 

Post ito ni Kris sa kanyang Instagram matapos ang pangangalampag ng mga netizen at grupo na sumusuporta kay Mary Jane Veloso.

8.Our whole family prayed, of course for Mary Jane and her family, but I prayed deeply for the Holy Spirit to guide my brother & his government to find a way to spare the life of a fellow Filipino. To find a reason compelling enough for the Indonesian govt to give Mary Jane Veloso a reprieve, and it came because of testimony regarding the greater problem of HUMAN TRAFFICKING. I prayed for God to bless our relations w/ Indonesia… Australia, Brazil, Nigeria, and even an Indonesian died by firing squad.

 

I kept quiet & just prayed. Left & right paulit ulit na walang ginawa, walang effort, walang malasakit, patalsikin, walang nagawa si Noynoy. (Thank You Manila Bulletin for the accurate front page.) Our whole family prayed, of course for Mary Jane and her family, but I prayed deeply for the Holy Spirit to guide my brother & his government to find a way to spare the life of a fellow Filipino. To find a reason compelling enough for the Indonesian govt to give Mary Jane Veloso a reprieve, and it came because of testimony regarding the greater problem of HUMAN TRAFFICKING. I prayed for God to bless our relations w/ Indonesia… Australia, Brazil, Nigeria, and even an Indonesian died by firing squad. From the New York Times I quote: “Saying Indonesia had a right to exercise its drug laws, Mr Joko’s govt. rejected international pleas to cancel the executions, including from Ban Ki Moon, Secretary General of the United Nation.” I firmly believe that we must respect the laws of each country, and as Filipinos we will take offense when other countries will dictate upon us… But we are a God fearing, faithful nation. And He heard our collective prayer. And I kept quiet w/ the endless attacks against PNoy because that was his reminder to me, but today it is my right & my privilege to say, I AM PROUD of my brother. I AM PROUD OF MY PRESIDENT. ??

A photo posted by Kris Aquino (@withlovekrisaquino) on

Lahat ay nagbunyi sa pagkakasalba ni Mary Jane Veloso pero may hindi pa rin nagpalampas sa pag-intindi pa nito sa relasyon ng Pilipinas sa Indonesia. Diplomat si ate?

9.“Napakalinaw na SUPER OKAY si PNoy nung Friday because diba nakuha pa nyang pag trip-an & spoof how I talk. #TRUTH #wagmagimbento”


Inilabas ni Kris Aquino ang screencaps ng palitan nila ni PNoy ng text sa kanyang Instagram, panahon ito ng kasagsagan ng usapin sa engkwentro sa Mamasapano. Habang nagtatanong ang publiko #NasaanAngPangulo para magpaliwanag at managot, madali lang kay Kris na sabihing SUPER OKAY lang ang naman ang pangulo kung nasaan man ito. Pero ‘yung bayan hindi okay, okay lang kaya sa kanyang i-factor in iyon?

10.Sa panahon ng laglag-bala

 


Malayong-malayo talaga ang pribelehiyo ni Kris sa mga ordinaryong mamamayan. Kumbaga sa pelikula at telenobela, langit siya, lupa tayo.

Habang nag-aalala ang mga kababayan natin tungkol sa laglag-bala, si Kris Aquino naman ay nagsabing safe at maganda ang kanyang naging experience sa NAIA, kabaligtaran ang nararanasan ng isang ordinaryong pasahero.

11.MRT habol sa Lucky Me event!

Sa pangkalahatan, labas sa pagka-starstruck, hindi naman ikinatutuwa ng publiko ang pagpaparangya ng mga personalidad sa pagsakay sa mga bulok at sira-sirang tren. Araw-araw na pinagdudusahan ng mga commuter ang tren. Pero sa mga personalidad, ang pagsakay dito ay parang adventure lang na Instagramworthy.

 

screengrab from @withlovekrisaquino
screengrab from @withlovekrisaquino
12.“Quits na tayo sa lahat ng nahirapan mag commute these past few days, patas ang mundo, patche patche naman ang balat ko.”
screengrab from Kris Aquino's Instagram account
screengrab from Kris Aquino’s Instagram account

 

Extreme ang trapik at abala ang dinanas ng mga taga-Metro Manila sa linggo ng APEC Summit noong Nobyembre. Lampas dito, kawalan ng sahod, kabuhayan at kita para mga manggagawang arawan ang sahod at mga negosyo. Higit pa, ang mga tinutulak na polisiya ng iba’t ibang makapangyarihang bansa para mas tumindi ang kahirapan na nararanasan ng mga mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas. Sa kabila nito, patas na raw tayo kay Kris Aquino dahil patse-patse ang balat niya dahil sa paglakad-lakad sa ilalim ng araw na naka-gown at naka-high heels.

Patche-patche balat ni Kris = Paghihirap ng sambayanan?

Nasaan ang hustisya?

13.“Why would I jeopardize our family’s good name and reputation when I have been earning millions the honest way?”
from http://www.pinoyrepublic.info/
from http://www.pinoyrepublic.info/

Matagal nang pinangangalandakan ni Kris ang pagiging top taxpayer niya. Sa isang banda, ang Kuya Noy naman niya ay kinilalang presidenteng may pinakamalaking PDAF (congressional pork), presidential pork at bumuo sa bilyun-bilyong DAP (iligal na lumpsum funds na may solong kontrol ang presidente). Hindi tuloy naiwasan ng mga netizen magkumento na ang tax ni Kris ay napupunta naman sa pork barrel ng Kuya Noy niya.

14.“I kept quiet w/ the endless attacks against PNoy because that was his reminder to me, but today it is my right and my privilege to say, I AM PROUD of my brother. I AM PROUD OF MY PRESIDENT.”

noykris

I kept quiet & just prayed. Left & right paulit ulit na walang ginawa, walang effort, walang malasakit, patalsikin, walang nagawa si Noynoy. (Thank You Manila Bulletin for the accurate front page.) Our whole family prayed, of course for Mary Jane and her family, but I prayed deeply for the Holy Spirit to guide my brother & his government to find a way to spare the life of a fellow Filipino. To find a reason compelling enough for the Indonesian govt to give Mary Jane Veloso a reprieve, and it came because of testimony regarding the greater problem of HUMAN TRAFFICKING. I prayed for God to bless our relations w/ Indonesia… Australia, Brazil, Nigeria, and even an Indonesian died by firing squad. From the New York Times I quote: “Saying Indonesia had a right to exercise its drug laws, Mr Joko’s govt. rejected international pleas to cancel the executions, including from Ban Ki Moon, Secretary General of the United Nation.” I firmly believe that we must respect the laws of each country, and as Filipinos we will take offense when other countries will dictate upon us… But we are a God fearing, faithful nation. And He heard our collective prayer. And I kept quiet w/ the endless attacks against PNoy because that was his reminder to me, but today it is my right & my privilege to say, I AM PROUD of my brother. I AM PROUD OF MY PRESIDENT. ??

A photo posted by Kris Aquino (@withlovekrisaquino) on

Ito ang reaksyon ni Kris sa panahon na patuloy binabatikos si Pangulong Noynoy Aquino sa iba’t ibang isyu na hinaharap ng kanyang kapatid. Parang sabi ni Kris, kanya-kanya lang iyan.

15. “I’ve learned more from pain than I could’ve ever learned from pleasure.”
Picture5
Screengrab from IWantTV/Aquino and Abunda Tonight

Hindi man daw magsasalita ay marami namang nasabi ang mga t-shirt ni Kris na sinuot niya sa panahon ng enkwentro sa Mamasapano. Panahon din ito na in-unfriend o unfollow ni Kris ang ilang mga kaibigan at personahe sa showbiz na nagpakita ng pagkadismaya sa Mamasapano at sa mga sumunod pang mishandling ng gobyerno ni Noynoy.

Personal lang ang usaping ito kay Kris. Nasasaktan si Kris sa pambabatikos sa kanyang kapatid samantalang 69 buhay na ang nawala at libu-libo ang kinailangang lumikas. Sa puntong ito, parang ang mismong katauhan na ni Kris ang kabalintunaan sa isang lipunang nais magmalasakit sa naaapi at nais na tunay na umunlad ang bayan.

Kung dati ay sumikat si Kris sa pagiging prangka o candid, tila hindi na nananahimik ang netizen ngayon sa mga walang patumanggang post ni Kris, lalo pa sa mga manhid nitong kumento. Hindi rin pinalalampas ang mga pagpo-post niya tungkol sa kanyang yaman o ‘di kaya’y ang mga tungkol sa pangulo, sapagka’t sila’y mga public figure na may pananagutan sa bayan. Ginawang possible rin ng social media ang mabilis na feedback sa mga kumento ni Kris gamit ang platforms nito. Labas sa mga patuloy na umiidolo kay Kris o sa karangyaang kanyang kinakatawan, tila lumilinaw na ang lubos na kaibahan ni Kris (at ni PNoy) sa maraming ordinaryong Pilipino: ang kanyang uring panginoong maylupa na pinagmumulan ng kanyang mga manhid na kumento, mga double standard at kakaibang pananaw.

 

  • From Mamasapano to Lumad: 15 People’s Issues in 2015
    anemptytextlline
    BASAHIN
  • Top 15 Most Insensitive Comments from President Aquino
    anemptytextlline
    BASAHIN
  • Top 15 Issues na ‘Di Pinalampas ng Netizens
    anemptytextlline
    BASAHIN
  • Top 15 Pangungunsensya Memes
    anemptytextlline
    BASAHIN
  • Top 15 People Who May “Get Away With Murder” Under President Aquino’s Term
    anemptytextlline
    BASAHIN
  • Top 15 Epal Moves ng mga Pulitiko
    anemptytextlline
    BASAHIN
  • Top 15 Pinoy Social Media Behaviors of 2015
    anemptytextlline
    BASAHIN
  • Top 15 Sining Biswal na Nagsalarawan ng Pakikibaka ng Mamamayan
    anemptytextlline
    BASAHIN
  • Top 15 na Panghihimasok ng Estados Unidos sa Pilipinas
    anemptytextlline
    BASAHIN
  • Top 15 Celebrities Who Supported People’s Issues
    anemptytextlline
    BASAHIN
  • Top 15 Relevant Filipino Artists in 2015
    anemptytextlline
    BASAHIN
  • 15 Isyung Pilit na Binabaon sa Limot
    anemptytextlline
    BASAHIN
  • Top 15 Nakakalokang Comments ni Kris Aquino
    anemptytextlline
    BASAHIN
InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here