[ultimate_spacer height=”80″]

Isang kumong pagpapahayag sa social media ang pagkasiphayo ng mga netizen sa taong 2016, na para bang may sariling katauhan o nagkatawang-tao ang nakalipas na taon. Naging karaniwan at malaganap ang pagpaparunggit sa taong 2016, lalo na sa pagtambad ng mga balita ng kamatayan ng mga iniidolo (Fidel Castro, George Michael, Carrie Fisher, Miriam-Defensor Santiago, at iba pa) o sa pagsambulat ng mga nakakahindik na usapin (araw-araw na balita ng mga napatay sa gera laban sa droga) o ‘di inaasahang mga resulta (gaya ng resulta ng eleksyon ng US, at maaaring maging ang eleksyon sa Pilipinas). Sumosobra ka na 2016. Ano pa ba, 2016? May pahabol pa ba 2016? At iba pang mga bulalas sa social media na panibagong barometro ng opinyong publiko o opinyon ng panggitnang uri sa bansa.

Paano nga ba natin titingnan ang taong nagdaan? Sa anong pananaw ba nating ilalapat ang ating pagsusuri? Sa anong lente ba natin ito sisipatin? Hayaan niyo kaming mangmungkahi.

Ang bawat araw, linggo, buwan at taon na lumilipas ay walang katapusang pag-inog ng mundo at buhay, walang putol na pagdudugtong ng mga bagay, butil, ideya, tao, atbp. Dapat nating laging isanib ang ating mga ideya sa kalakhan at salaminin ang mayorya sa lipunan, upang hindi mahiwalay at mawalan ng ugnay sa mas malawak na sambayanan.

Kung tayo ay magbubuklod sa iisang pananaw, pagkilos, pag-asam ng pagbabago at pag-unlad sa ating buhay, dapat ay nakatingin tayo sa kung ano ang para sa mamamayan at para sa bayan. Tingnan natin ang mga bagay sa punto de bista at kapakanan ng nakararaming masa—ang mga magsasaka, manggagawa, maralita, at iba pa. Sila ang matibay na gulugod ng bansa at sa bubuuing lipunang tunay na malaya, may demokrasya, may kaunlaran para sa lahat.

Tampok sa yearend report na ito ang koleksyon ng mga listahan ng (1) mga aspirasyon, kahilingan, pagkilos at pakikihamok ng mamamayang Pilipino sa mahahalagang usaping pambayan, (2) mga tala, obserbasyon at paglilimi sa sining at kultura, (3) mga personahe na tumatak sa taong 2016, at marami pang iba.

Sa pangalawang taon, narito ang kulumpon ng mga listahan ng mga tao, lugar, pangyayari at usapin na tumatak sa taong 2016. Ito ang taunang ulat ng Manila Today para sa katapusan ng taon.

Inaanyayahan ang lahat na basahin at ipalaganap ang mga tinipon na Top 10 at mag-ambag ng sariling listahan na maaaring mailathala sa koleksyong ito.

[ultimate_spacer height=”50″]
[ultimate_img_separator animation=”No Animation” animation_duration=”3″ animation_delay=”0″ animation_iteration_count=”1″ img_separator=”id^16379|url^https://manilatoday.net/wp-content/uploads/2017/01/clenched-filst.png|caption^null|alt^null|title^clenched-filst|description^null” img_separator_width=”desktop:100px;” img_separator_gutter=”45″][ultimate_spacer height=”100″]

2016: A Year of Peculiar and Dangerous Living in the Philippines

[ultimate_spacer height=”2″]

[ess_grid alias=”Top 10 ng 2016″]

[ultimate_spacer height=”100″]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here