Ika-14 ng Pebrero, tapat sa Araw ng mga Puso, nagkasa ng protesta ang mga manggagawa ng Harbour Centre bandang alas-6 ng umaga sa harapan ng gate nito.

Nagprotesta ang mga manggagawa dahil sa kawalan pa rin ng tugon ng management nila sa kanilang pagtutol sa biglaang pagtanggal sa kanila sa trabaho.

“Kaya kami nag welga dahil tinanggal kami kahit na ang desisyon ng DOLE ay dapat habang gumugulong ang kaso ay wala pong tatanggalin na mga manggagawa kaya po sana maunawaan po kami sa aming ginagawa,” sabi ni Francis Manaog, miyembro ng unyon ng manggagawa sa Harbour Centre at isa sa mga tinanggal na manggagawa.

Enero 6, 2020 nang tinanggal ang aabot 253 na manggagawa sa Harbor Centre dahil umano sa pagtatapos ng kontrata ng Harbour Centre sa manpower agency na Grasials Corporation.

Taong 2017 nang kinilala nang regular ang mga manggagawa ng Harbour Centre ng Department of Labor and Employment (DOLE) matapos ang halos isang taon nilang paglaban para sa regularisasyon.

Gayunpaman, hindi pa rin napapatupad ang kautusan ng DOLE na kilalaning regular ang mga manggagawa ng Harbour Centre matapos ang halos tatlong taon.

Nanindigan ang mg wa manggagawa at miyembro ng unyon ng manggagawa sa Harbour Centre na patuloy nilang ipaglalaban ang kanilang karapatan.

“Itong laban na ito ay nagpapatunay lang na kahit kapos tayo sa pinag-aralan, kaya nating lumaban sa pamamagitan ng sama-sama nating pagkilos dahil ang karapatan ang pinaglalaban dito,” pagtatapos ni Manaog.

 

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here