Panelo, bagsak sa ‘commute challenge’ ng Anakbayan

Bagsak ang gradong ibinigay ng Anakbayan kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa pagtanggap nito sa ‘commute challenge’ ng grupo ngayong araw. Nag-commute si Panelo mula sa bahay niya sa Concepcion, Marikina papunta sa kanyang tanggapan sa Malacañang Palace.

Inabot ng halos apat na oras ang kanyang byahe at apat na sakay ng jeep at isang pakikiangkas sa isang motor. Nagsimula siya ng 5:15 ng umaga at nakarating bandang 8:46 ng umaga. Bahagi ng hamon na dapat hindi kasama ang media dahil hindi magiging natural ang mga kundisyon at sitwasyon sa kanyang pagbyahe sa Kamaynilaan. Dahil sa madalas na post at update ni Panelo, natunton din siya ng media sa Cubao kaya mula roon ay hinabol na siya at sinamahan sa mga jeep na kanyang sinakyan.

Reaksyon ni Bagong Alyansang Makabayan Secretary General sa pagtanggap ni Panelo sa ‘commute challenge’ ay bagamat nakarating ito ay ‘late’ pa rin sa takdang oras ng trabaho ng gobyerno (kadalasang ika-8 ng umaga) kung si Panelo ay nag-‘time in’ sa bundy clock. Sa mga ordinaryong manggagawa, memo na ang katapat ng pagkahuli sa oras ng trabaho. Samantala, bilang mataas na opisyal ng ehekutibo, hindi naman ni Panelo kailangan mag-time in.

Iginiit pa rin ni Panelo na walang ‘transport crisis’, pero mayroong ‘traffic crisis.’

Umani naman ng iba’t ibang opinyon sa social media ang isinagawang ‘commute challenge’ ni Panelo.

Nagkaroon din ng isang black Friday protest ang mga militanteng grupo sa Cubao, Quezon City upang ipanawagan na dapat magakaroon ng pangmatagalan na solusyon ang gobyerno sa tumitinding krisis sa transportasyon.

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here