Sa press briefing ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang ibang opisyal ng gobyerno noong Abril 8, sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na isa ang Pilipinas sa mga bansang mababa ang impeksyon. Maraming kumwestyon sa pahayag ng kalihim sa gitna ng mababang kapasidad sa testing ng bansa at kawalan ng mass testing.

Bago ang pahayag ni Duque, sinabi ni DOH USec. Maria Rosario Vergeire na hindi pa malalaman sa ngayon ang “totoong larawan” ng pagkalat ng COVID-19 sa bansa kung lumaki pa ang kapasidad sa testing sa bansa tungong 8,000 hanggang 10,000 kada araw na target sa pagdating ng katapusan ng Abril.

“Isa po tayo sa pinakamababa. Kung ihahambing po natin ang mayayamang bansa ay di hamak na malayong-malayo po ang ating ranggo kung titingnan po natin na ayan po malinaw naman po sa mga listahan sa COVID world tracker ay isa po tayo sa may mababa na rate of infection,” ani Duque.

Tulad din ang pahayag na ito ni Duque ng ginagawa ng Presidential Communications Operations Office sa araw-araw na press briefing nito, kung saan kada umpisa ng briefing ay inuulat nila ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa iba’t ibang bansa, mula sa pinakamaraming namatay. Matapos ay magbibigay sila ng pahayag o kongklusyon na mababa ang ranggo ng Pilipinas sa mga bilang ng kaso ng COVID-19.

Ani Duque, ang mababang impeksyon sa bansa ay dahil sa ipinatupad ni Duterte na travel ban ng Pilipinas sa China at sa ipinatupad na isang buwang total lockdown sa Luzon.

“Ito ay nagsasalamin ng mga desisyon na ginawa ng ating mahal na Pangulo. Ito ‘yung ating absolute travel restriction na binaba ng ating Pangulo doon sa mga manggagaling sa bansang China noong Pebrero. Pangalawa ay ang lockdown o enhanced community quarantine,” ani Duque.

Ipinaloob sa total lockdown ang buong Luzon mula Marso 17 hanggang Abril 12, saklaw ang nasa 53 milyong populasyon nito. Noong Abril 7, inanunsyo ang ekstensyon ng lockdown hanggang Abril 30. 

Ayon din kay Duque, dalawa lamang kada isang milyon sa populasyon ang may COVID-19 sa bansa.

 

Mass testing sa iba’t ibang bansa at ang COVID-19 testing sa Pilipinas

Sa mga may ulat sa isinagawang testing sa Timog Silangang Asya, pinakamababa ang testing sa Pilipinas, na nasa 0.04 katao lang kada isang libo ng populasyon nito (o apat kada isang milyon) ang tine-test para sa COVID-19.

 

Talaan ng testing sa mga bansa sa Timog Silangang Asya (Abril 9)

Kumpirmado

(Abril 9)

Gumaling

(Abril 9) 

Namatay

(Abril 9)

Bilang ng isinagawang test Bilang ng isinagawang test kada libo ng populasyon
Malaysia 4,228 1,608 67 (1.5%) 67,951

(April 10)

1.93
Philippines 4,076 124 203 (5%) 4,568

(April 4)

0.04
Indonesia 3,293 252 280 (8.5%) 19,452

(April 10)

0.07
Thailand 2,423 940 32 28,709 (April 8) 0.4
Singapore 1,623 406 7
Vietnam 251 128 0 118,807 (April 10) 1.2
Brunei 135 91 1
Cambodia 118 68 0
Myanmar 22 1
Laos 15 0 0
Timor Leste 1 0 0

Ang mga blangko ay dahil ang iba ay walang iniuulat na ganoong datos

 

Sa mga bansang pinakamaraming kaso ng COVID-19, pinakamaraming test na naisagawa ang Germany na may na-test na 16 katao kada isang libo ng populasyon at Italy na 15 katao ang nate-test kada isang libo ng populasyon.

Ang South Korea na modelo ng maraming bansa sa mass testing ay nakapag-test na ng 503,051 (Apr 10) indibidwal o 9.8 katao kada isang libo ng populasyon nila. Nasa 20,000 test ang isinasagawa nila kada araw.

 

Talaan ng testing sa mga bansang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 (Abril 9)

Kumpirmado Gumaling Namatay Bilang ng isinagawang test Bilang ng isinagawang test kada libo ng populasyon
US 434,791 24,058 14,802 217,629 (April 2) 0.62

(April 2)

Spain 148,220 48,021 14,792
Italy 139,422 26,491 17,669 906,864

(April 10)

15.33
Germany 113,296 32,814 2,280 1,317,887

(Abril 5)

16
France 82,048 21,254 10,869 224,254

(March 31)

3.4
China 81,865 77,370 3,335
Iran 67,286 29,812 4,003
UK 60,733 7,097 243,421 (April 9) 3.6
Turkey 38,226 1,846 812 276,346 (April 10) 3.3

Ang mga blangko ay dahil ang iba ay walang iniuulat na ganoong datos

 

 Mass testing sa Pilipinas

Ihinayag ni National Task Force COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez, Jr. noong Abril 2 na sisimulan na ng gobyerno ang “massive testing” sa Abril 14. Noong araw na iyon ay 4,726 pa lang ang na-test ayon sa DOH. Kinabukasan, sinabi ni Galvez na ongoing na ang mass testing at nakapagsagawa na ng 16,368 na test. Pagdating ng Abril 4, sinabi rin ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire na 19,000 na ang na-test.

Hindi malinaw kung paanong biglang lumaki ang bilang ng na-test na indibidwal. Lumalabas sa ilang paliwanag na kasama sa mga bilang ang na-retest. Tinanggal na sa website ang bilang ng mga test mula Abril 6, matapos mula Abril 3 na pahayag ni Galvez ay iba ang bilang ng na-test na sinasabi sa mga press briefing ng gobyerno sa nakapaskil sa website. Sa datos na inilabas ng DOH noong Abril 8, nakapagsagawa na ito ng 22,958 na test.

Nananatiling nasa 1,710 kada araw ang kapasidad ng testing sa bansa kahit hanggang sa huling ulat ng DOH noong Abril 7, bago nag-“under maintenance” ang website nito noong Abril 8 kasabay ng Mahal na Araw. Inabisong babalik ang website sa Abril 12.

Target ng gobyerno na magsagawa ng 4,400 hanggang 9,800 na tests kada araw pagtapos ng Mahal na Araw at 13,000 hanggang 20,000 kada araw pagdating ng Abril 27, anang tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force na si Karlo Nograles.

Mas malaki ang mga target na ito na una nang nabanggit ng DOH na 3,000 kada araw pagdating ng Abril 14 sa pagsisimula ng “massive testing” at 8,000 hanggang 10,000 sa katapusan ng buwan.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here