Oda sa Manggagawa

0
1729
[ultimate_spacer height=”250″]

“Kaya ikaw ay marapat dakilain at itanghal
‘pagkat ikaw ang yumari nitong buong Kabihasnan…
Bawat patak ng pawis mo’y yumayari ka ng dangal,
dinadala mo ang lahi sa luklukan ng tagumpay.”
–Manggagawa, Jose Corazon de Jesus

[ultimate_heading margin_design_tab_text=””] –Manggagawa, Jose Corazon de Jesus

[/ultimate_heading][ultimate_spacer height=”250″]

 

 SAMPU. Sampung letra lamang ang salitang MANGGAGAWA ngunit ang katumbas ay isang NASYON.

Ang mga mangggawa ang nagsisilbing tulay sa pag-unlad at progreso. Marahil, hindi lubos nauunawaan ng iilan. Ang halaga ng mga manggagawa—manggagawang buong buhay iniaalay ang pawis at dugo, hindi lamang para sa pamilya; kun’di para rin sa ikauunlad ng ating bansa.

Ano na lamang kaya ang kahihitnan ng buhay natin kung walang ang mga magsasaka at manggagawang bukid? Silang walang pagod na nakayukod sa matirik na init ng araw, para lamang may maaning palay, gulay, at prutas.

Ang mga karpetintero na sa bawat paghampas ng kanilang mga martilyo, ang bawat indayog ng kanilang mga braso sa paglalagari ng kahoy, ang pagbubuhat ng mga bato para lamang magkaroon ka nang maayos na tirahan. Naaaninag mo ba ang kinang ng kanilang mga pawis kapag nadadampian ito ng liwanag?

Paano na lamang kaya ang buhay mo kung wala ang mga drayber ng mga pampublikong sasakyan na nagsisilbi natin gulong para magpatuloy sa buhay? Nakaiinit man ng ulo ang trapik na mayroon tayo, walang sawa nilang sinusuong ang baku-bakong daan ng gobyernong ito.

Ang mga mangingisdang nakipagsasayaw sa alon ng karagatan para lamang makahuli ng sariwang isda.

Ang mga guro na kahit kulang sa benipisyo ay patuloy pa rin sa pagsusunog ng kilay nang sa gayon ay may bagong kaalaman na maibabahagi sa mga mag-aaral na uhaw rito.

Ang mga bagong bayani na nakikipagsapalaran sa ibang bansa, sinusuong ang diskriminasyon, pagpapahirap ng ibang lahi, at kung minsa’y pagmamaltrato. Hindi lamang para sa pamilya, kundi para rin sa ekonomiya. Silang nagsasakripisyong mawalay sa pamilya at nagtitiis sa pangungulila.

Ang mga manggagawa ay patuloy na nakakulong sa tatlong sulok ng lipunang ito, patuloy na lumalaban para sa pag-asa at mga karapatang pantao.

 

[ultimate_spacer height=”250″]

Pawis natin ang nagdidilig sa mundo
Boses natin ang kanta ng daigdig
Tinutulak natin ang hakbang ng kasaysayan

[ultimate_heading margin_design_tab_text=””]– Ang Galit ni Kristo ni Nick Pichay

[/ultimate_heading][ultimate_spacer height=”250″]

 

Ngayong Mayo Uno, ginunita ang ika-113 anibersaryo ng Internasyunal na Araw ng Paggawa na itinuturing bilang isa sa mga napakahalagang petsa sa kasaysayan, sapagkat, tatak ito ng mga Pilipinong manggagawa. Tatak ito—ng pagkilos, paglaban, paghihimagsik at paglaya mula sa mga naghaharing burukrata-kapitalismo, neolibarismo, pyudalismo, imperyalismo. Pag-alpas ito mula sa tanikala ng mga ‘Kano. Silang patuloy na hinahalay ang ating bansa para sa pansariling interes.
Nagsimula ang pagdiriwang na ito noong 1903, sa gitna ng direktang pananakop ng imperyalismong US. Sa taong iyon, mahigit 100,000 manggagawa at mamamayan ang nagmartsa patungong Malakanyang. Kung saan ang tanging sigaw ng mga manggagawa:

“Kamatayan sa imperyalismong US!”

Marubdob at maalab na isinisigaw ang mga litanyang ito. Ito’y isang simbolismo ng kanilang pagtindig. Ito’y boses na nararapat lamang pakinggan.

Bilang protesta at isang paraan ng paglaban sa malupit, marahas, mapanikil at mapandambong na rehimeng iyong kasabuwat ng lokal na malalaking kapitalista’t asendero at ng dayuhang interes.

Dahil sa panghihimasok ng mga Amerikano sa aspekto ng politika, ekonomiya at kultura, patuloy tayong itinutulak sa laylayan ng lipunan.

 

[ultimate_spacer height=”250″]

"Matagal nang masahol ang kalagayan ng mga manggagawa sa ating bayan. Pero nitong mga nagdaang dekada, lalo pa itong lumala."

[ultimate_heading margin_design_tab_text=””]– Kilusang Mayo Uno [/ultimate_heading][ultimate_spacer height=”250″]

 

Sa kasalukuyan, patuloy na lumalala ang pagdapurak sa mga manggagawang Pilipino. Hindi lubos maapuhap ang sinasabi nilang “matuwid na daan,” sapagkat sa katotohanan sila lamang ang nakakikita. Talamak ang kontraktuwalisasyon, mababang pasahod, kawalan ng benepisyo na siya namang dahilan ng patuloy na kahirapan. Tanging mga kapitalista ang naghahari sa lipunang ito. Ang mga mahihirap ay patuloy na humihirap subalit ang mga mayayaman ay patuloy lamang na yumayaman.

Bilang pagdiriwang, tumulak noong ang libo-libong manggagawa sa embahada ng Amerika para iparinig ang kanilang mga hinaing. Isinusulong ngayon ng mga manggagawa ang P16,000 na national minimum wage kada buwan para sa mga kawani ng gobyerno at P750 kada araw para naman sa pribadong sektor. Panawagan din nilang buwagin ang regional wage system na layunin lamang pababain ang sahod at pagwatak-watakin ang mga manggagawa.

Ito’y ilan lamang sa panawagan ng mga manggagawa, panawagan nating mga Pilipino.

Bagamat mabagal ang pag-unlad sa lipunang ito, hindi tumitigil ang mga progresibo’t makabayang mamamayan at mga grupo para iparinig ang mga kanilang mga hinaing at boses. Madagdagan man ng sampung taon pa ng pakikibaka, o ilang daantaon, hinding-hindi tayo susuko.

[ultimate_spacer height=”250″]

“Huwag tayong umasa sa gobyerno at eleksyon”

[ultimate_heading margin_design_tab_text=””]– ikaw, ako, tayo[/ultimate_heading][ultimate_spacer height=”250″]

 

Ngayon darating na eleksyon, isa sa mga isaalang-alang mo sa pagpili ng kandidato ay ang mga programang ibibigay nila sa mga manggagawa, hindi programa para sa negosyo ng mayayaman.

At tandaan na hindi rin eleksyon ang magsisilbing mitsa ng pag-unlad. Nagsisimula ito sa sama-samang lakas ng mamamayan. Katulad na lang din kung paanong nilikha ng mga manggagawa ang yaman ng ating bansa.

Kaya, ikaw, tayo, nararapat lamang na bilang Pilipino ay patuloy ang pakikiisa at suporta sa pagbabago, progreso, pambansang kalayaan at demokrasya. Dahil bilang Pilipino, responsibilidad natin gambalain ang mga taong nagpapakasasa sa kapangyarihan.

Huwag tayong umasa sa gobyerno. Huwag tayong umasa sa eleksyon. Makiisa at makilahok tayo sa hinaing ng bayan tungo sa pangmatagalang pag-unlad at hindi sa ampaw na pagbabago.