Nagbabalik ang ‘Bagsakan’ ng mga magsasaka

Maaari na muling makabili ng mga murang produkto ng mga magsasaka na nagtatanggol sa kanilang karapatan sa lupa.

Hanggang Hunyo 24 ng 12 ng tanghali maaaring umorder gamit ang form na kanilang online na pamilihan.

Kasama sa mga binebentang produkto ang sumusunod:

  • Indian mango – P 40 kada kilo
  • Santol – P50 kada kilo
  • Saba – P 50 kada kilo
  • Kalabasa – P 50 kada kilo
  • Cassava – P 40 kada kilo
  • Upo – P 40 kada kilo
  • Sitaw – P 20 kada tali
  • Avocado – P80 kada kilo (hanggang 2 kilo lang ang pwedeng bilhin ng kada customer)
  • At iba pa

Makukuha ang mga produkto sa Hunyo 26 sa alinman sa tatlong ‘bagsakan’ sa Quezon City na maaaring pagpilian: sa Unioil sa Kalayaan, sa opisina ng IBON o sa National Bookstore sa Katipunan. Maaari rin itong ipa-deliver gamit ang Grab o LalaMove.

Unang inilunsad ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang Bagsakan Online Shop noong Abril 2. Anang grupo, ang mga produkto ay mula sa bungkalan ng mga magsasaka na nagtatanggol sa kanilang karapatan sa lupa at nagtitiyak na may pagkain ang mamamayan.

 

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here