Sinabayan ng isang kilos protesta ang isinasagawang hearing ngayong araw sa loob ng Department of Labor and Employment (DOLE) kaugnay sa iligal na pagtatanggal sa mga manggagawa ng Super 8.

Ang Super 8 ay isang grocery warehouse chain na may 42 sangay sa loob ng Metro Manila sa lahat ng lungsod liban sa Navotas at mayroon din sa munisipalidad ng Pateros. Nasa 31 ang sangay nito sa labas ng Metro Manila sa mga probinsya ng Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Pampanga, Pangasinan, Rizal at Tarlac.

Nagkasa ng strike ang mga kontraktwal na manggagawa ng Super 8 sa Pasig noong Agosto 5 matapos tanggalin ang 200 sa kanila.

Kilos protesta ng mga manggagawa ng Super 8 sa labas ng tanggapan ng DOLE. Kuha ni Akira Liwanag

“Hangga’t hindi nakikipag-usap, ipaglalaban namin ang karapatan ng mga manggagawa, aaraw-arawin namin ang pagpoprotesta”, ani Lorendo Domingo, pangulo ng Unyon ng Manggagawa ng Super 8.

Kilos protesta ng mga manggagawa ng Super 8 sa labas ng tanggapan ng DOLE. Kuha ni Akira Liwanag

Sumama rin sa protesta ang mga myembro ng Kilusang Mayo Uno-Metro Manila, Defend Job Philippines, Manila Workers Unity.

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here