MGA LARAWAN: Sa ika-51 taong komemorasyon ng Martial Law, naglunsad ng serye ng mga kilos-protesta ang iba’t ibang progresibong grupo bilang pag-alala sa malagim na yugto ng kasaysaysan kung saan naging talamak ang paglabag sa karapatang pantao, matinding krisis pang-ekonomya at pagsupil sa kilusang masa.

Naging tampok ang mga panawagan para itaas ang sahod, ibasura ang Anti-Terror Law, tutulan ang budget cuts sa edukasyon at pampublikong serbisyo, at ipatigil ang mapanirang Manila Bay reclamation projects.

Nakiisa rin ang pormasyon ng One Taft at One U-belt na binubuo ng mga estudyanteng tutol sa tiranya at pasismo.

Loading spinner

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here